Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBB housemates nominado lahat for eviction

LAHAT ng PBB housemates ay nominado for eviction ngayong Linggo pagkatapos mapangalanan si Kyron Aguilera bilang ikapitong evictee sa PBB Connect.

Mahigpit ang laban sa Bahay Ni Kuya pero sa huli, ang Shy Biker Boy ng Butuan na si Kyron ang kinulang sa boto na 11.19% na pinagsamang Kumu at text votes. Nanguna naman sa botohan si Gail na may 16.18% na sinundan ni Ralph na nakaani ng 13.70%.

Ngayong Linggo, Araw ng mga Puso ay mahaharap ang housemates sa isang heartbreaking challenge dahil silang lahat ay kasama sa listahan ng nominado for eviction.

Dapat ipanalo ng housemates ang inihandang laro ni Kuya na Game of Hearts, na dadaan sila sa tatlong laro na magbibigay sa kanila ng pagkakataon na iligtas ang kanilang sarili sa posibilidad na mapalayas sa PBB house.

Kamakailan, usap-usapan ang naging ‘Chisquiz’ task ng housemates sa social media, na itinugma nina Ralph at Gail ang mga sinabi ng housemates tungkol sa isang kapwa housemate.

Usap-usapan sa Twitter world ang quiz challenge ni Kuya na nagsilbi ring paalala sa viewers kung gaano kahalaga ang komunikasyon, pagiging maingat sa mga binibitawang salita sa kapwa, pag-amin sa pagkakamali, at paghingi ng tawad.

Trending ang #PBBChisQuizPa at pangalan ng iba’t ibang housemates tulad nina Alyssa, Andrea, Ella, Gail, Kobie, Quincy, at Ralph noong Sabado dahil sa mainit at emosyonal na mga pangyayari sa loob ng bahay ni Kuya.

May mga netizen na humanga sa pagpapakatotoo ng housemates sa naging Chisquiz at mayroon namang bumilib sa pagpapakumbaba at pag-amin sa pagkakamali ng ibang housemates.

Isa si Ella sa mga naglakas-loob na pakinggan ang mga sinabi tungkol sa kanya ng mga kapwa housemate.

At payo ni Kuya kay Ella, ”Minsan mahirap talaga malaman kung ano ang mga iniisip ng ibang tao tungkol sa’yo. Baka kailangan mo ring mag-isip kung ano ba talaga ang dahilan nito. Dahil baka ang mga sinasabi sa’yo, roon manggagaling ang tunay na pagbabago, roon manggagaling ang tunay na pagkakaibigan, at pagsasama. At doon din makikilala ang sarili mo ng lubusan.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …