Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine at Rayver ‘di uso ang selos Date sa Valentine’s day purnada

SA nakaraang virtual mediacon ng pelikulang Dito at Doon ay natanong si Janine Gutierrez kung may Valentine’s date sila ng boyfriend nitong si Rayver Cruz.

Pero mukhang malabong ipagdiwang ng magsing-irog ang V-day dahil nabanggit ni Janine na sa Pebrero 14 mismo ang alis ni Rayver para sa isang buwang lock-in taping ng teleseryeng Nagbabagang Luha ng GMA 7.

Gagawing TV version ng GMA ang pelikula nina Lorna TolentinoGabby Concepcion, Alice Dixson, at Ormoc City Mayor Richard Gomez na idinirehe ni Ishmael Bernal for Regal Films noong 1988.

Treinta tres ang nakalipas bago ito gagawing teleserye na ididirehe naman ni Ricky Davao na makakasama ni Rayver sina Glaiza de Castro, Mike Tan, at Gina Pareño.

“Ilang araw na lang Valentine’s Day na. Malabo ang date niyong dalawa kasi si Rayver, naghahanda na ng mga kailangan niya para sa 30-day lock in shoot,” kuwento ng taong malapit kina Janine at Rayver.

Dagdag pa, ”Tapos si Janine naman halos walang bakanteng araw dahil sa mga commitment niya. Pero malay natin baka mag-dinner sila kahit dalawang oras lang.”

Pagdating pala sa trabaho ay walang pakialamanan ang dalawa kaya ‘yung sinabi ni Janine sa Dito at Doon mediacon na open siya sa daring roles na magpapakita ng skin ay hindi magiging problema kay Rayver gayundin ang binata na hindi rin siya magkaka-problema sa girlfriend kapag may love scene o kissing scene siya sa leading lady niya.

At higit sa lahat, ”hindi uso sa kanila ang selos, puro trabaho lang. Basta lagi lang silang nagtatawagan kapag libre o kaya video calls. Kumustahan kung anong ganap nila sa araw na ‘yun,” sabi pa sa amin.

Napanood namin ang guesting ni Janine sa It’s Showtime na binibiro siya ni Vice Ganda na simula raw noong naging sila ni Rayver ay hindi na nito nakakasama sa mga show niya sa ibang bansa.

Paborito kasing guest ni Vice si Rayver sa out of the country shows niya bukod pa sa mabenta rin ang singer/dancer/actor sa ibang bansa.

Sa pagkakaalam namin ay ito ‘yung nasa GMA 7 na si Rayver at siyempre binawalan na siyang mag-guest sa shows ng sinumang ABS-CBN artist na mapapanood sa TFC.

Anyway, isang buwang lock-in si Rayver kaya matagal na hindi sila magkikita at magkakasama ng pisikal ni Janine na sakto rin dahil kaliwa’t kanan ang trabaho nito dahil bukod sa promo ng Dito at Doon movie nila ni JC Santos kasama sina Victor AnastacioYesh Burce, at Lotlot de Leon mula sa TBA Studios na idinirehe ni JP Habac ay mapapanood na ito sa mga sinehan sa Marso 17.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …