Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

G Toengi, senegundahan si Liza sa pagbanat sa Tililing poster

PAREHO ng pananaw sina Liza Soberano at dating aktres na si Giselle Toengi sa pagpuna sa poster ng pelikulang Tililing na idinirehe ni Darryl Yap for Viva Films.

Base sa post ni Giselle sa kanyang Twitter account, ”I agree with @lizasoberano that Tililings poster perpetuates the loka loka stereotype about mental health. The director is young and green and still has a lot to learn. I’m excited at Darryl’s body of work so far tho. Responsibility is key.”

Ang pahayag ni Liza, ”Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”

Nagpaliwanag naman ang direktor ng pelikula na si Darryl.

“Sa iyo, Miss Liza Soberano, ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang. HINDI KA NAMIN BIBIGUIN.

”Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang direktor.  Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula.  Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya.”

Samantala, nag-message si Baron Geisler na isa sa cast ng Tililing kay Liza dahil nagpasalamat sa kanya ang dalaga.

“Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were mis­interpreted. I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best.  Looking forward to seeing it,” tweet ni Liza.

Sa baliktaktakang nangyayari tungkol sa Tililing, tiyak kaming deadma lang ang mag-amang Vic at Vincent Del Rosario dahil para sa kanila negative or positive reactions or write-ups ay makatutulong sa pelikula nila dahil magiging aware ang publiko.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …