Saturday , November 16 2024

Janssen ng Johnson & Johnson mas may benepisyo kaysa ibang bakuna

MANILA — Sa pagkokon­sidera ng mga bentaha sa pagpapabakuna ng single-dose Covid-19 vaccine na gawa ng American pharmaceutical company Johnson & Johnson, idineklara ng Department of Health (DoH) na ang nasabing bakuna ay mas mayroong benepisyo para sa Filipinas dahil ang pagbibigay nito ay “operationally simple” kung ihahambing sa mga bakunang inaalok ng ibang drug makers, kabilang ang Sinovac ng China at AstraZeneca.

Sa isang pahayag, tinukoy ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga benepisyo ng bakuna ng J&J, partikular sa aspekto na kakailanganin lamang ang isang pagturok ng bakuna para makamit ang sinasabing efficacy at immunity laban sa novel coronavirus o nCoV.

Ayon kay Vergeire, ang nabanggit na bakuna, na pinangalanang Janssen, ay hindi kakailanganing iimbak sa mababang temperatura at ang single dose treatment ay mas madali para sa pamaha­laan sundin ang planong mabakunahan ang mas malaking bilang ng mga Pinoy, partikular ang tinatawag na most vulnerable.

Inihayag din ni Vergeire na nakikipagnegosasyon na ang pamahalaan sa Johnson&Johnson para sa 10 milyong dose ngbakuna.

Samantala, inihayag ni National Task Force Against Covid-19 (NTF) chair Carlito Galvez, Jr., na mapataas ng kanilang 900,000 pang dose ng bakuna ng Pfizer mula sa global vaccine sharing scheme na COVAX ang inisyal na supply na 117,000 sa isang milyon dose.

“The COVAX agreement states that if we can have a submission for an additional 900,000 (doses) to make our Pfizer vaccines reach 1 million, so we’re doing that. We are now preparing the letter and we will submit it before Feb. 14,” punto ng self-proclaimed vaccine czar ng bansa.

Sinabi rin ni Vergeire na ang pagpapaluwag ng mga quarantine restriction ay nakabatay sa pagpapatupad ng vaccination program ng pamahalaan.

“The CoVid-19 vaccination is just an add-on factor, where to ease restrictions or not at this point in time where the vaccine will come in tranches. We will still have to see if the vaccine can block (coronavirus) transmission,” aniya.  (Kinalap ni TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *