Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla at Tom ‘di perpekto ang relasyon

MATAGAL nang nagsasama sa iisang bubong ang magkasintahang Tom Rodriguez at Carla Abellana at aminado rin ang aktres na ‘life is not a bed of roses’ o laging masaya at walang problema.

Hindi perpekto ang pagsasama nina Carla at Tom at hindi maiiwasang may mga gusot sila.

Sa vlog ni Carla na in-upload niya sa kanyang YouTube channel na may titulong Clarifying Rumors, may nagtanong, ‘Not showy in public but you show your affection privately around friends and family.’

Ang sagot ni Carla, ”I believe you’re referring kami ni Tom, our relationship ‘yung ‘pag-express or ‘pag-show ng love namin sa isa’t isa. Yes, actually not showy in public. If you guys notice Tom and I were not into much PDA of public display of affection. I don’t know siguro ganoon lang ako pinalaki and it’s not just because were in show business but in all my past relationships na rin that’s how I’ve been hindi naman talaga ako gaanong ka-showy.”

Nabanggit pa na hindi porke’t hindi showy si Carla ay hindi niya mahal si Tom. Privately at sa mga close friend at pamilya ay showy siya sa aktor.

Natanong kung ‘moody or snob’ dahil napansin na hindi nito masyadong pinapansin ang sinasabi ni Tom kapag sa ibang online videos.

”There may have been episodes in my YouTube channel na parang irritated ako kay Tom, ‘di ko siya masyadong napapansin, ‘di ko siya masyadong pinakikinggan but it’s not always like that. Alam kong hindi magandang panoorin, hindi magandang makita kaming ganoon, and I don’t do that naman on purpose. I’m sorry guys felt that way na ‘yun nga hindi ako namamansin na moody ako o snobbish ako hindi naman ‘yun totoo, nagkakataon lang talaga ang dami kong iniisip,” paliwanag ng aktres.

Hindi sa lahat ng pagkakataong nasa harap sila ng kamera ay okay sila.

”It’s not always lovey-dovey, sweet-sweet, whatever chemistry ganyan. Given na six and a half years that Tom and I have been together, there are times na medyo nakaiirita naman din. So nangyayari ‘yon, but then I apologize for that but it’s not always like that naman.

“At least, napapanood n’yo sa ibang mga online video na kahit paano nakikita n’yo na love ko naman talaga si Tom at ‘di naman ako snobbish or moody at all times,” sabi pa.

Selosa ba si Carla, ”Hindi, eh. Number one you should not be kung wala namang basis, ‘di ba, kung you trust your partner a hundred percent.

“Really, my times na ang jealousy gets in the way but really it’s not good in the relationship and kung wala naman talagang pagdududa, hindi dapat, sayang lang ‘yan sa effort and sa time.

“So ‘wag na magselos, be confident in yourself, be confident that your partner loves you, loves everything about you. There’s nothing that will get in between that or no one will get in between that,” katwiran ni Carla.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …