Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tanong ng netizens: Nag-date na ba sina Bea at John Lloyd?

N O! Hindi pa, wish ko lang sana in the near future, wow!” ito ang sagot ni Bea Alonzo sa tanong kung married na siya.

Sa latest vlog ng aktres na uploaded sa kanyang YouTube chann

el nitong Sabado ng gabi, na ang titulo ay ‘Web Most Searched Questions’ sinagot niya ang mga ito.

Is Bea Alonzo getting married? ”Ba’t ba kayo nagmamadali, may taxi ba sa labas? Hindi pa.”

British ba si Bea? ”Half Filipina half-British. May dad is British and my mom is Filipina.”

Does Bea have a child? ”Kanina gusto n’yo may asawa na ako, ngayon gusto n’yo may anak na, wala pa.”

May Twitter account ba si Bea? ”I don’t but actually I’ve been thinking about it.  If you are suggesting that I should have one, please comment down below.”

Ano ang tunay na pangalan ng aktres? ”Phylbert Angellie Ranollo.  On my previous vlog ay natanong ko na si mama kung bakit ito ang ipinangalan sa akin. And if you want to know, click (vlog na guest niya ang mama niya).

Ano ang height ni Bea? ”I am 5’8. Actually very tall for a Filipina woman.”

Paa­no nga ba nag-lose ng weight ang aktres? ”I worked out every single day, I would run and then I also do weight. For that year na nag-ABS-CBN ball ako, nag-Keto-vegetarian ako for two weeks and it works. I think I lost about 5 to 6 pounds. Right now, I am trying again to lose weight so I’m doung Pilates to strengthen my body, to stretch my body, and also doing badminton and I do weightlifting.”

Paano nadiskubre si Bea Alonzo? ”I was discovered in a beauty contest, kakahiya (sabay tawa). I joined this contest in Pasig (city) called Mutya ng Pasig back in 2001. And then one of the judges was Mr. Oscar Peralta (designer) and then bestfriend niya si Archie Ilagan, manager ko and then he made me audition sa ABS-CBN Talent Center pa noon. Nakasabay ko sa elevator si Ms Mariole Alberto and she asked me if I want to auditioned and the rest is history.”

Nag-date ba sina Bea at John Lloyd Cruz? ”Did we, ha, haha?”

Hindi sinagot ng aktres ang tanong kaya alam na this.

Marami pang tanong na maaaring panoorin sa YT channel ni Bea.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …