Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Aktres nagmamaldita, production ayaw na siyang makatrabaho

NAGULAT kami sa balitang maldita sa set ng TV series ang aktres na nahaharap sa isang kontrobersiya ngayon dahil hindi namin nakilalang ganito ang ugali nito sa ilang beses namin siyang nakakausap sa mga presscon at nakikita sa pareho naming paboritong restaurant na kasama ang kaibigan.

Tatlong beses din namin siyang nakita sa mall pero hindi niya kami nakita at napansin naming mabait siya sa tao, bumabati at nagpapa-picture.

Kaya nang ikuwento ito sa amin ng production staff ng TV series ay hindi kami talaga makapaniwala at binanggit naming mabati siya.

“Sabi nga rin nila mabait siya, eh, baka siguro nairita siya kay (kilalang aktres) kasi uma-attitude sa set. May ikinukuwento na hindi niya type makasama sa project,” sambit ng staff.

Ang kilalang aktres ay alam naming may ugali talaga na noon pa namin alam at ramdam namin ang kaplastikan nito kapag kausap ang entertainment press dahil too good to be true. Maging ang pagiging magiliw din niya sa co-actors niya ay OA sa kabaitan, pero pagtalikod ay kung ano-ano na ang komento.

Anyway, going back sa aktres na sinasabing maldita ay ayaw na raw makatrabaho ng mga staff ng production dahil sa experience nila. Sana hindi totoong nagbago na siya dahil hindi namin siya nakilalang ganoon.

(Reggee Bonoan)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …