Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Meg at Arvic, na-enjoy ang Cabin in the Woods

SA wakas mapapanood na ang Sana All romantic movie nina Meg Imperial at Arvic Tan na dapat noong 2020 pa pero dahil inabutan ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic kaya hindi natuloy. At ngayong magbubukas na ang mga sinehan sa Pebrero, nauna na ang Viva Films at BluArt Productions na ihain ito sa publiko mula sa direksiyon ni Bona Fajardo.

Sa ginanap na virtual mediacon ng Sana All nitong Martes, Enero 26, natanong sina Meg at Arvic kung ano ang love advice nila para sa mga may karelasyon na kanila ring ginagawa sa sarili nila.

Sabi ni Meg, ”Ang love advice na isinasapuso’t isip ko talaga is you love yourself 100%, ‘coz if not kung mahal ko lang ang sarili ko ng 30% then someone pumasok sa buhay ko and minahal ako ng 40%, that’s not enough pa rin.

“So always love yourself 100% para ‘pag may dumating na tao ay i-push niya ang sarili niya to a 150 or 200% and that’s what you deserve.”

Para kay Arvic, ”Love advice, always be true no matter what. Kahit anong mangyari, no lies talaga, if you’re not feeling okay o hindi okay sa ‘yo ang mga ganitong bagay, tell her, no secrets.”

Ang Sana All ay kinunan sa Baguio City at natiyempong super lamig  kaya enjoy na enjoy mag-shoot si Meg dahil ang sarap sa pakiramdam at hindi siya pinagpawisan. Kaya natanong ang dalawang bida kung anong unforgettable place na hindi nila malilimutan doon.

Sabi agad ni Arvic, ”Adam’s Garden kasi imagine mo lang ‘yung kubo namin, cabin in the woods, overlooking ng mountain tapos may river tapos paglabas mo may hot chocolate with malunggay powder tapos ‘yung food sobrang sarap kasi organic.”

Hirit naman ni Meg, ”Na-enjoy mo kasi nakaligo ka sa sapa (sabi niya kay Arvic). Wala akong time noon.

“Ako naman na-enjoy ko ‘yung fields of flowers sa (Atok) Benguet kasi pagpunta mo roon, sobrang ang daming iba’t ibang klaseng flowers, sobrang lamig, mae-enjoy mo ‘yung pagsuot-suot ng mga jacket.

“And ang sarap doong mag-hot chocolate rin kasi ang lamig at hindi mo na mapi-feel ang kamay mo. Nakaka-enjoy magtrabaho sa ganoon klaseng lugar kasi hindi ka pagpapawisan, fresh ka lang. At saka masarap kasi magkakasama kami ng cast.”

Sa ganda ng trailer ng Sana All, parang gusto naming umakyat ng Baguio, kaso naka-lockdown sila ngayon dahil aa Covid19 variant na mayroon na kaso.

Kasama rin nina Meg at Arvic sina, Andrew MuhlachPio Balbuena, at Lita Loresca.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …