AKALA ng lahat ngayong buwan ng Pebrero ang pagbabakuna na ipagkakaloob ng administrayong Duterte, pero sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa buwan pa ng Marso.
Habang patuloy ang pagkalat ng CoVid-19 at patuloy ang paghihintay, ano ba talaga ang totoo at kailan ipatutupad ang bakuna?
Umaasa ang nakararami na sana totoo na ang petsa. Inip na inip na ang frontliners na mabakunahan, baka mabawasan pa ito bago ipatupad ang bakuna.
CLEARING OPERATION NG MMDA NINGAS-KUGON
Walang pagbabago, mula nang itatag ang ahensiya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dating Metro Manila Commission, ningas-kugon ang isinasagawang clearing operations sa Baclaran.
Imbes alisin ang mga illegal construction sa mga lugar na sakop ng mga lungsod o munisipalidad — karaniwan ay mga karinderya na hindi naman sakop ng highway o national road — tila hindi napagtutuunan ng pansin ang illegal vendors na pabalik- balik sa kalsada.
Pagkaalis ng mga tauhan ng MMDA clearing operation ay muling nagsisibalikan ang mga vendor na nagtago lang sa mga eskinita sa Brgy. Baclaran. Dapat siguro kompiskahin ang mga paninda!
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata