Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erich, type jowain si Mayor Vico

SA rami nang nagkaka-crush kay Pasig City Mayor Vico Sotto na netizens at celebrities na vocal na sinasabi sa pamamagita ng kani-kanilang social media, wala pa ba siyang napipiling gawing First Lady ng lungsod na nasasakupan niya?

Ang latest na nagpahayag ng paghanga at tipo siyang ‘jowain’ ay ang aktres na si Erich Gonzales. Nabanggit ito ng dalaga sa segment nilang ‘Jojowain o Totropahin’ para sa Enrich Originals YouTube channel nila ni Enchong Dee.

“Jojowain!” ito ang diretsahang sagot ni Erich sa tanong ni Enchong kung jojowain o totropahin ng dalaga si Mayor Vico.

“Pasok sa banga, bakit?” tanong ng binata kay Erich.

“No explanation needed. Vico Sotto that’s the (name you can trust thru hand gesture). ‘Di ba?” sagot ni Erich.

“Hi Pasig, please watch out our video (constituents of Pasig City),” sambit pa ng aktor.

“Na-amaze ako sa kanya kasi first time niya ito, ‘di ba and everything that he accomplishes, sobra, ang galing talaga,” sabi pa ng dalaga.

Dagdag ni Enchong, ”We appreciated, kahit hindi tayo mga Pasigueno nakikita natin ‘yung performance niya and we appreciated.”

“And si Tita Connie (Reyes) we miss you tita. Dati lagi kami nagba-Bible study, she would invite me sa house niya may meryenda after ganyan,” tsika pa ng aktres.

“’Ma (tawag ng aktor kay Ms Coney-nagsama sila sa pelikulang ‘Four Sisters and A Wedding’ – 2013). Thank you for raising us to be a good citizen,” saad ng binata.

“Especially your son, Vico, the best. So, again Vico Sotto, pak, Vico lang malakas,”  say ni Erich.

Kung may Vico Sotto si Erich, hindi rin nagpatalo si Enchong dahil type naman niya si Ivana Ilawi at napa-buntong hininga ang bianta with matching labas pa ng dila nang sambitin niyang, ‘jojowain.’

Kaya tanong ni Erich, ”bakit may buntong hininga, bakit lumabas ‘yung dila mo roon (sabay tawa ng aktres).”

“Ang ganda naman talaga kasi at saka sexy talaga si Ivana,” sagot ng binata.

Sabay hirit, ”Ivana if you’re watching? Never ko pa siya nakita in person (sabi ni Enchong kay Erich na sinagot din ng ‘ako rin.’) She’s very pretty, she’s very sexy.”

Dagdag pa, ”baka gusto mong maka-collab jan.”

“Ivana, magpa carwash ka naman d’yan ha, hahah,” tumatawang sabi naman ni Erich.

Sundot pa ng aktres, ”Hi Ivana if you’re watching, akala mo naman manonood siya nito, wala lang.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …