Saturday , November 16 2024

Babae hinatulan ng 43-taon pagkabilanggo sa pagsalangsang sa hari ng Thailand

HINATULAN ng korte sa Thailand ang isang dating civil servant ng 43 taon at anim na buwang pagkabilanggo sa paglabag sa batas na nagbabawal sa pag-insulto o pagsalangsang sa monarkiya ng nasabing bansa.

Napatunayan ng Bangkok Criminal Court na nagkasala ang babae ng 29 bilang ng paglabag sa lese majeste law ng bansa sanhi ng pag-post nito ng mga audio clip sa Facebook at YouTube na may kasamang mga komentong itinuring na kritikal sa Thai monarchy, ayon sa grupo ng Thai Lawyers for Human Rights.

Unang hinatulan ang nagkasalang babae, na kinilala lamang sa pangalang Anchan, ng 87-taon pagkabilanggo, ngunit hinati ito dahil umamin ang babae sa kanyang mga kasalanan, dagdag ng grupo.

Agad kinondena ng rights groups ang nasabing paghatol, kasabay ng patuloy na protesta at kritisismo laban sa monarkiya.

“Today’s court verdict is shocking and sends a spine-chilling signal that not only criticisms of the monarchy won’t be tolerated, but they will also be severely punished,” wika ni Sunai Phasuk, isang senior researcher para sa grupong Human Rights Watch.

Ayon kay United Nations secretary-general Antonio Guterres, naniniwala siyang “mahalaga na ang mga tao ay nakapaglalahad ng kanilang saloobin nang malaya.”

Sa bansang Thailand, ang paglabag sa lese majeste law — na mas kilala bilang Article 112 — ay may kaparusahang tatlo hanggang 15 pagka­bilang­go sa bawat bilang ng pagla­bag.

Makaraang hu­ma­lili si Haring Maha Vajralong­korn sa pagkamatay ng kanyang ama noong 2016, ipinagbigay-alam niya sa pamahalaan na hindi niya nais na magamit ang lese majeste law sa kanyang panunungkulan.

Ngunit lumago ang mga protesta nitong nakaraang taon at lalo pang tumindi ang kritisismo laban sa monarkiya kaya nagbabala si Prime Minister Prayuth Chan-ocha na dumating na sa puntong kailangang gamitin ang nabanggit na batas.

(Kinalap ni TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *