Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiko, mas nag-dare maging gasoline girl (Ayaw mamili kina Jomari at Martin)

SADYANG inaabangan namin ang pagsasama nina Ogie Diaz at Aiko Melendez sa kani-kanilang YouTube channel dahil kung ano-anong pinag-uusapan nila na naaliw ang kanilang mga subscriber.

Sa truth or dare episode ni Aiko sa kanyang YT ay si Ogie ang guest niya at tinanong siya ng talent manager/vlogger/comedian ng hypothetical question na kung sakaling wala sa buhay niya ang boyfriend niyang si Vice Governor Jay Khongjun, sino ang babalikan niya sa dalawang ex-husband niya, si Jomari Yllana o si Martin Jickain?

Namilog ang mga mata ng aktres at sabay laglag ang kaliwang braso habang nakapangalungbaba.

”Puwedeng hindi ko sagutin, mother? Magdi-dare na lang ako?” sagot ni Aiko.

“Ang baduy naman nito, bakit ayaw mong sagutin?” balik-tanong ni Ogie.

“Ayokong makasakit kasi pareho silang tatay ng mga anak ko, so ayokong masaktan ang mga anak ko,” paliwanag ng mama nina Andre at Marthena.

At mas pinili ng aktres ang dare kaysa magbigay siya ng P10K kay Ogie.

Kaya ang parusa sa kanya ng kumpareng Ogie ay kausapin ang gasoline boy/girl sa gasolinahang malapit sa lugar nila para siya ang magkarga sa mga magpapa-gasolinang sasakyan.

Nagulat si Aiko, ”papayag ba mga ‘yan? Wala akong alam sa ganyan.”

Mas ma-offend ka kung hindi sila papayag dahil Aiko Melendez ka!” dare ni Ogie.

Walang choice ang aktres kundi sundin ang ipinagagawa sa kanya ni Ogie or else magbabayad siya ng P10k.

Walang nakargahang gasoline si Aiko dahil lahat pala ay nakargahan na kaya sa hangin na lang ang kakargahan niya na tiyempo dahil may taxi driver na huminto para magpa-hangin.

Tinuruan si Aiko ng gasoline boy kung paano gamitin ang hose na may hangin, ”Hindi ba ito sasabog?”

Natutuhan naman kaagad ito ng aktres at sabay sabi kay Ogie, ”o okay na. Puwede na? Isa lang naman usapan.”

“Apat ang gulong niyan, gusto mo bang bumiyahe na hindi balanse ang andar mo?”  Nanlalaki ang mga matang sagot ng kome­dyante sa kumare.

Walang nagawa si Aiko kundi kargahan din ng hangin ang natirang tatlong gulong.

”I made it!” masayang sabi ni Aiko at inabutan niya si manong driver para dagdag kita nito sa araw na iyon.

“Bakit mo siya binigyan?” tanong ni Ogie.

“Alam ko kung gaano kahirap at saka ‘yung buhay niya naka-risk kaya nagbibigay pugay tayo sa katulad ni manong na taxi driver dahil inaalay niya ang kanyang buhay at pag-aalaga sa kotseng minamaneho niya, salamat kuya,” saad ni Aiko.

Abot-abot naman ang pasalamat ni manong driver sa aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …