SA GITNA ng pandemya na kinakaharap ng sambayanang Filipino, nagkaroon ng requirement sa online learning devices ang local government units (LGUs) upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante at isa na rito ang city government ng Caloocan.
Kaugnay nito, namahagi ang Caloocan LGU ng specific technical specification at customization ng tablet na ekslusibo sa online learning ng kanilang mga mag-aaral.
Ang Cherry Mobile ay nag-supply ng Cosmos 7 tablet na alinsunod sa customizes specifications.
Ang Cosmos 7 ay bagong model mula sa device hanggang sa packaging. Hindi ito mabibili sa kahit saang mobile stores dahil ini-develop ito alinsunod sa guidelines ng Caloocan city government.
“Siniguro ng Cherry Mobile Cosmos 7 na dumaan sa masusing quality control and inspection ng aming Research and Development team,” ayon kay Lonson Alejandrino, AVP-Product Development ng Cherry Mobile.
“Gaya ng ibang LGUs, hangad namin bilang Filipino brand ang makatulong at makagaan sa adjustments na kinakaharap ng mga mag-aaral sa distant learning sa gitna ng pandemic. Sinigurado namin ang Cosmos 7 tablet ay bagong model at hindi pa nailabas sa merkado,” dagdag ni Alejandrino.
Mula noong 2009 nagsumikap ang Cherry Mobile upang magbigay ng de-kalidad at abot kayang devices para sa mga Filipino.