MAPANG-AKIT muli ang latest picture ni Andrea Torres sa kanyang Instagram.
Lutang na lutang muli ang malusog niyang dibdib at balingkitang katawan, huh!
Loveless na si Andrea matapos ang hiwalayan nila ni Derek Ramsay. Tila wala nang kalungkutang mababanaag sa mga mata niya.
Ang new look kaya ngayon ng ex-GF ni Derek ay preparasyon sa tila isang mapangahas na role sa isang movie ni Joel Lamangan?
Kinu-consider si Andrea sa bagong movie ng BG Productions International mula sa direksiyon ni Louie Ignacio, ang Abe-Nida katambal ang isang multi-awarded actor ayon sa Facebook post ni Dennis Evangelista.
I-FLEX
ni Jun Nardo