Wednesday , December 25 2024

GPTA sa Caloocan City Rumesbak vs ‘politikerong’ konsehales

HATAW News Team

“TIGILAN ang paggamit sa mga ipinamahaging tablet sa politika at pagtuunan ninyo ng pansin ang pagtatrabaho sa konseho.”

Ito ang banat ni General Parents Teacher’s Association na si Jasper Basmayor matapos kuwestiyonin ng ilang konsehal mula sa oposi­syon ang kalidad ng mga tablet na ipinamahagi sa mag-aaral sa Grade 9 hanggang Grade 12 sa mga pampublikong paaralan sa Caloocan.

“Maayos ‘yung tablet. We checked them. Ang totoong problema kasi ‘yung ambisyon ng mga konsehal sa 2022. Napa­kalayo pa ng eleksiyon pero pati ang mga mag-aaral ay ginagamit nila sa kanilang personal na ambisyon,” ani Basmayor.

Kinuwestiyon din ni Basmayor ang panahon ng pagsasalita ni Councilor Rose Mercado hinggil sa mga tablet.

“Nakadududa lang na noon ay proud sila na makapamigay ng maayos na tablet ang lungsod ngunit nagsimula silang mambato ng kung ano-anong isyu sa lungsod mula noong tinanggal ni Caloocan Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa kanyang partido si Councilor Rose Mercado. Bitter pa rin ba si Mercado?” patanong na pahayag ni Basmayor.

Pinabulaanan din ng pamunuan ng Schools Division Office (SDO) – Caloocan na depektibo o mabagal ang mga tablet na kanilang ipinama­mahagi, gawa ng Cherry Mobile na pag-aari ng Cosmic Technologies.

“Custom-model ng Cherry Mobile ang mga tablet. Ginawa sila para sa specific na kailangan ng DepEd Caloocan. They are 4G and LTE-ready kahit na 3G lang ang karamihang nasa market ngayon. Ang ibig sabihin ay mas mataas pa ang kalidad ng ibinigay na tablet ng Lungsod ng Caloocan sa amin kompara sa requirement ng DepEd,” pahayag ni Losaria.

“May inisyu rin na certification ang DepEd na compliant tayo sa requirements ng tablet.”

Aniya, hindi maiiwa­san na maapektohan ang kanilang mga guro sa paggamit ng mga gani­tong issue at pamo­molitika.

“Nagtatrabaho kami sa gitna ng pandemya at hindi biro ang trabaho para sa modules kaya nakadi-disappoint na ginagamit ang mga tablet sa mga ganitong isyu,” ani Losaria.

Kinompirma ni Losaria, nai-deliver sa kanilang opisina ang lahat ng tablets mula sa Lungsod ng Caloocan.

“Natanggap na namin lahat ng tablets at naibigay na namin lahat sa mga school. By next week, hopefully, matapos na ang pamimigay sa lahat ng students. Medyo natagalan lang kami sa paglalagay ng mga kailangang modules, applications, at programs lalo sa big schools. Hindi naman natin puwedeng ibigay na wala ito dahil hindi rin magagamit,” paliwanag ni Losaria.

Ani Losaria, “We are thankful kay Mayor Oca na kahit hindi naman requirement ng national government ay nagkusa siyang tulungan ang Department of Education at bigyan ang mga mag-aaral ng tablet.”

Matatandaan, Cherry Mobile rin ang tatak ng mga tablets na ipinama­hagi ng mga lungsod ng Pasig at Maynila.

Kabilang sa mga kumukuwestiyon sa kalidad ng mga nasabing tablet ang mga dating kaalyado ni Mayor Oca na sina Councilor Rose Mercado at Councilor PJ Malonzo na pinatalsik sa partido ni Mayor Oca.

Ang dalawang nasabing konsehal ay kaalyado ngayon ni Congressman Egay Erice na inaaasahang makaka­tapat ng anak ni Mala­pitan na si Congressman Along Malapitan sa 2022 election.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *