Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, ibinuking dahilan ng pagiging sexy ni Kathryn pinagpaguran niya ‘yan, mamatay-matay na sa pagod

HINDI muna nagbigay ng yes or no na sagot si Daniel Padilla kung isa siya sa mag-a-avail ng COVID19 vaccine kapag dumating na sa Pilipinas ang inorder ng gobyerno.

Sa finale blogcon ng iWantTFC series na The House Arresto of Us nila ni Kathryn Bernardo ay natanong ito kung ano ang take niya rito.

”It’s a good question pero masyadong mainit at baka mapaso tayo. So, maghihintay pa tayo ng mga detalye about sa vaccine dahil hanggang ngayon naman ay hindi pa napa-finalize kung ano ang mangyayari. So huwag muna tayong magsalita ng hindi pa finalize ang mga bagay at baka mapaso tayo sa niluluto natin,” nakatawa pero seryosong sagot ng binata.

Tama naman din dahil hanggang ngayon nga ay pinagde-debatihan pa kung anong bakuna ang mas epektibo. Pero sabi nga ni Senator Grace Poe –Llamanzares na ang taumbayan ang may karapatang mamili kung ano ang gusto nila dahil pera naman nila ang ipambabayad nila.

Anyway, sa Boracay beach nag-Bagong Taon sina Daniel at Kathryn kasama ang kani-kanilang mga pamilya kaya naman noong i-post ng dalaga ang sexy photos niya ay marami ang humanga kaya ang tanong ay mabuti’t pinayagan siya ng boyfriend niya.

“’Yung iba nga siya pa ang nag-picture roon. Okay naman si DJ, hindi naman na siya masyadong strict compared before at alam ko rin naman kung hanggang saan (ipakikita),” kuwento ng dalaga.

Sinabi naman ni Daniel, ”Pinagpapaguran niya talaga ‘yun (work out), mamatay-matay na sa pagod.”

At sa pagtatapos ng #THAOUFinaleEpisode bukas, Sabado, Enero 16, 2:00 p.m. sa KTX.ph at 9:00 p.m. sa iWantTFC at TFC IPTV ay natanong kung may sequel ito.

Ayon kay Direk Richard Arellano”Siguro ‘House to house Arrest (titulo).’ Dine-develop na sa mga kuwentuhan namin. Tinitingnan namin ang mga possibilities, puwedeng out of the country, sa season 3 siguro ‘yan.

“Out of town muna ‘yung season 2. Maraming naglalaro sa mga utak namin actually, ng buong cast, nagbi-brainstorm kahit paano kapag nagkikita-kita kami kasi excited kami na magkaroon ng season 2 ang ‘The House Arrest of U.’

At sa tanong kung magkakaroon na ng anak sina Q at Korics sa sequel? ”Depende sa dalawa kung gusto na nilang magkaroon ng baby,” sagot ng direktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …