Saturday , November 16 2024

‘BTS’ bloc inilunsad sa kongreso (Best of the Best hangad ni Cayetano)

INILUNSAD nitong Huwebes sa pangunguna ni Taguig-Pateros Congress­man Alan Peter Cayetano ang ‘Balik sa Tamang Serbisyo’ (BTS) bloc sa Kongreso para muling mapagtuunan ng pansin ng mga mam­baba­tas ang mahahala­gang isyu tulad ng COVID-19 vaccination program, at economic recovery ng bansa, mga presyo ng bilihin at koryente, at iba pang nakaaapekto sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayang Filipino.

Ayon sa dating House Speaker na  Cayetano, kailangang pagtuunan ng pansin ang mga isyung ito na tila nawalan ng pokus sa Kamara de Representante, na dapat sana ay  sinusuportahan ang mga prayoridad ng Duterte administration habang nanatiling isang independent na institu­syon.

“Kailangan natin ay Bayanihan at Tapang sa Serbisyo na nawala na sa Kongreso,” ayon kay Cayetano. “Huwag panay puro pilitika lang.”

“‘Best of the Best’ ang hangad ko para sa bawat Filipino,” dagdag pa ni Cayetano.

Sinabi ni Cayetano, isa sa mga dapat pagtuu­nan ng pansin ang COVID-19 vaccination plan ng gobyerno, para matiyak na magiging maayos, patas, at walang mintis ang programa at para mabigyan ng vaccine  ang kailangang mabaku­nahang Pilipino.

Kasama sa BTS bloc ang ilang dating lider ng Kamara sa pangunguna nina former Deputy Speakers Camarines Sur Rep. L’Ray Villafuerte, Laguna Rep. Dan Fernandez,  Batangas Rep. Raneo Abu, at Capiz Rep. Fredenil Castro; Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado na dating chairman ng House committee on good government and public accountability; at Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, na dating chairman ng House public accounts committee.

Sinabi ni Defensor, hindi lamang sila ang kasapi sa independent bloc na ito, kundi marami pa silang mga committee chairpersons at iba pang miyembro ng Kamara na kasama sa BTS.

Ani Defensor, ang mga kasama nila sa BTS Congress bloc ay mga nagtatrabaho dati sa Kongreso na gusto muling ibalik ang dating sigla at sipag sa Kamara para makatuon ito sa mga bills na kailangang ipasa agad, tulad ng pag-postpone sa pagtaas ng PhilHealth contributions ngayong taon na ipinag-utos  ng Pangulong Duterte, pero nangangailangan ng batas bago magkabisa.

Ayon kay Villafuerte, nauwi na sa puro pamomolitika na lamang ang nangyayari ngayon sa Kamara sa ilalim ni Speaker Lord Allan Velasco, imbes pagtuu­nan ng pansin ang mga importanteng panukala tulad ng bills para muling mapasigla ang ekono­miya at mga negosyo, at  patuloy na mabigyan ng ayuda ang mahihirap nating kababayan.

Si Alvarado naman ay gustong ibalik ang mga imbestigasyon sa Kongreso ng good government committee para mapukpok ang mga ahensiya ng gobyerno at ang private sector na pagandahin ang kanilang serbisyo at mawala ang korupsiyon sa gobyerno.

Dapat pagtuunan din ng pansin ang pagtaas ng presyo ng bilihin at koryente, at mga kapa­kanan ng mga mag­sa­saka, ayon kay Fernandez.

Ipinaalala ni Abu ang mga rehabilitation program ng mga lugar na nasalanta ng bagyo at ng Taal volcano eruption, na tila nakalimutan na ng Kamara.

Ani Castro, hindi na rin napansin ng kasalu­kuyang liderato sa Kamara ang maiinit na isyu sa peace and order, tulad ng nangyaring pamamaril ng isang pulis sa isang mag-ina kama­kailan, at ang lumalalang problema ng online child pornography sa bansa.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *