Sunday , December 22 2024

Cha-cha ni Duterte desperadong tangka para kumapit sa poder, kritiko nais patahimikin

DESPERADONG pagta­tang­ka ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangunyapit sa puwesto at patahimikin ang mga kritiko sa isinusulong na Charter change o pag-amyenda sa 1987 Constitution sa Kongreso, ayon sa mga progresibong personalidad.

Sa kalatas ay sinabi ni ACT Teachers Rep. France Castro na hindi na siya magugulat kung isasama ng mga mambabatas ang pagtatanggal ng term limits upang pangalagaan ang kanilang pansariling interes.

Sa kanyang talumpati kamakailan ay inamin ni Duterte na nais niyang maalis ang partylist system upang magwakas ang armadong tunggalian sa bansa.

Nauna rito’y paulit-ulit na iniugnay ni Duterte ang Makabayan bloc sa Kamara sa CPP-NPA.

Sinabi ni Anakpawis Party-list Rep. Fernando Hicap, ang pagtatanggal sa probisyon ng partylist system sa Saligang Batas ay magreresulta sa pag-alis sa oposisyon sa Mababang Kapulungan.

Para kay Bayan Muna Rep. Eufemia Culamat, “inaaksaya ng pamahalaan ang oras sa mga bagay at usapin na hindi akma at angkop sa kasalukuyang suliranin na patuloy nating pinagdaraanan — ginagawa lamang dahilan ang pagbabago ng Konstitusyon upang mabig­yang daan ang kanilang personal na hangarin na manatili sa kapangyarihan lampas sa 2022.”

Matagal na aniyang namamayagpag ang dayuhang kapangyarihan sa Filipinas,  marami ng mga batas na pabor sa kanilang interes.

Hinuhuthot ng mga dayu­han ang mga rekur­song natural o likas-yaman natin kahit pa nakasaad sa Saligang Batas na dapat ay hanggang 40% lamang ang dayuhang kapital na maaring pumasok sa bansa.

“Kung sa ganitong kala­karan ay napapaikutan na tayo ng mga dambuhalang korporasyon, paano pa kung lantaran na natin itong ilalagay sa Saligang Batas. Tatanggalin ng Chacha na ito ang natitirang mga probisyon para sa sarili nating proteksiyon bilang mga Filipino at bilang bansa,” giit niya.

“Binigyan tayo ng leksiyon sa CoVid-19 pero hindi episyente ang solusyon dito ng gobyerno. Sobrang nakababahala na sa kabila nito ay mas uunahin pa ang Charter Change na mas lalong magbibigay ng daan sa mga dayuhan upang tuluyan nang igupo ang ekonomiya ng bansang Filipinas at ang mamamayang Filipino. Tutulan natin ang panukalang pagpapaluwag sa economic provisions ng Saligang Batas. Magkaisa tayong pigilan ang Charter Change. Bakuna libre, sapat at ligtas, hindi ChaCha!” wika ni Cullamat.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *