ANO kaya ang official statement ni Toni Gonzaga-Soriano na ang ibinebentang cologne spray ng kompanya niya katuwang ang vlogger na si Winnie Wong ay walang lisensiya mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Binalaan na ng FDA ang publiko tungkol sa cologne spray na hindi ito dumaan sa kanila kaya walang Certificate of Product Notification ang POUF! Everyday Bloom Cologne Spray.
Ayon sa FDA Advisory No. 2020-2188, ”Potential hazards may come from ingredients that are not allowed to be part of a cosmetic product or from the contamination of heavy metals.”
Kaya sinabihan ang publiko na huwag bilhin ang nasabing produkto.
”All concerned establishments are warned not to distribute violate cosmetic product until they have fully complied with the rules and regulation of the FDA,” sabi ng ahensiya ng gobyerno.
Sabi pa ni FDA Director-General Eric Domingo na sinumang mahulihang nagbebenta ng produktong walang lisensiya at rehistro mula sa FDA ay papatawan ng violation of Republic Act 8711, or the FDA Act of 2009 at ayon sa Section 12 ay magmumulta ang violator ng P50,000 hanggang P500,000 o pagkakakulong mula isa hanggang sampung taon.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan