BORN or Made ba ang mga sikat na personalidad sa larangan na kanilang pinasok? Isa ito sa tanong sa ginanap na zoom mediacon para sa pagbabalik ng reality show ng Born to be A Star ng Viva Entertainment na mapapanood na sa Enero 30, 7:00 p.m. sa TV5.
Si Andrew E ang sumagot sa tanong na ito since siya naman ang senior among his fellow Star Agents na sina Teacher Georcelle, Janine, Katrina Velarde, at Sam Concepcion.
“Stars are born or made? For me, dalawa ‘yan. They are born and at the same time, made. With the case of Miss Nora Aunor, she was already born kahit nga hindi made. Kasi at an early age bitbit na niya ‘yung talent niya saan man makarating ‘yun. Basta’t bitbit mo ‘yung talent mo you can go a long, long way.
“Minsan mayroong tao o kadalasan sa minsan na bitbit lang ang sarili pero walang bitbit na talent, so there comes a person on his or her life na magtuturo sa kanya to gain or probably extract that talent, ‘yun ‘yung made.
“But then again kung pagsasamahin mo sila ‘yun, ‘yung hindi possible dati kasi wala pang internet. Now a days mayroon ng internet which means it could have been and could be the other way around puwedeng mag-survive. Kahit born, without made walang tulong ang ibang tao by just himself ma-discover siya sa internet or made wala rin siyang bitbit pero na-discover siya ng maraming tao at na-in love ang maraming tao sa kanya, then he/she could be a star already,” magandang sagot ng komedyanteng master-rapper.
Sina Kim Molina at Matteo Guidicelli ang hosts ng show na dating judges sa Masked Singer na nagtapos noong Disyembre.
Labing-walo mula sa mga 40 nag-audition ang tutuloy sa boot camp na sasailalim sa training ng mga Star Mentors na sina Thyro, Wency Cornejo, at Mark Bautista na kapwa eksperto sa pagpe-perform, pagsusulat ng kanta, at paggawa ng areglo ng musika.
Ang grand champion ay tatanggap ng P1-M at recording at management contract mula sa Viva.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan