ni ROSE NOVENARIO
TARGET ng gobyernong mabakunahan laban sa CoVid-19 ang may 200,000 Pinoy kada araw.
Upang maisakatuparan ito’y sumasailalim sa training ang 25,000 vaccinators, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez.
Inihahanda aniya ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ang listahan ng mga indibidwal na mababakunahan.
Nais aniya ng gobyerno na makabili ng 148 milyon doses ng CoVid-19 vaccine ngayong taon.
Nauna rito’y inihayag ni Galvez na aabot sa dalawa hanggang tatlong taon bago mabakunahan ang target na 60% hanggang 70% ng populasyon ng bansa.