Saturday , November 16 2024

Pinoy ‘wag choosy sa libreng Covid-19 vaccine — Palasyo (Pambili ng vaccine kahit babayaran ng tax)

ni ROSE NOVENARIO

HINDI puwedeng maging choosy ang mga Pinoy sa tatak ng CoVid-19 vaccine na ituturok sa kanila dahil ito’y libre, ayon sa Palasyo.

“Totoo po, mayroon tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusu­gan pero hindi naman po puwede na pihikan dahil napakaraming Filipino na dapat turukan,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing.

Taliwas sa pahayag ng Malacañang, hindi libre ang bakuna dahil ang pondong nakalaan dito’y galing sa utang mula sa iba’t ibang bansa at international financial institution at babayaran ng makokolek­tang buwis mula sa mga mamama­yan.

Aabot sa mahigit P70 bilyon ang inilaang budget para sa CoVid-19 vaccine sa 2021 budget at may balak pa ang adminis­trasyon na mangutang ng dagdag na mahigit P100 bilyon para sa target na mabakunahan ang prayoridad na 35 milyong Pinoy.

Ang mga nasa listahan ng priority population na ayaw magpabakuna ay kaila­ngan lumagda sa isang waiver na hindi niya gagamitin ang kanyang priority privilege.

“Wala pong pilian, wala kasing pilitan. Pero magsa-sign ka ng waiver na hindi ka nagpaturok at kapag ikaw ay may prayoridad, siyempre mawawala ang prayo­ridad mo, sasama ka sa the rest ng taong bayan na naghihintay ng bakuna,” ani Roque.

“So tama lang naman po ‘yan, walang pilian kasi hindi naman natin makokontrol talaga kung ano ang darating at libre po ito,” dagdag niya.

Inianunsiyo ni Roque na may siguradong 25 milyong doses ng Sinovac vaccine ng China na darating sa susunod na buwan.

Nauna rito’y inihayag na nakapagreserba ng 2.6 milyong doses mula sa British drug-maker na AstraZeneca ng at 30 milyon doses mula sa Indian-made Covovax.

Sagot
ng Bayan Muna
MAY KARAPATAN
MAGING CHOOSY
ANG MGA PINOY
— GAITE

MAY karapatan maging choosy ang mga Pinoy sa tatak ng CoVid-19 vaccine na ituturok sa kanila dahil nakasalalay ang kanilang kaligtasan at pera ng bayan ang ibinayad dito.

Buwelta ito ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi puwedeng maging pihikan ang mga Pinoy dahil libre naman ang CoVid-19 vaccine.

“Mr. Roque, if it is a matter of safety and effectivity, if it involves public money, then the people have the right to be ‘choosy.’ Trabaho n’yo at pananagutan ninyo sa publiko na siguruhing ligtas at epektibo ‘yang bakuna,” ayon kay Gaite.

Hindi aniya wasto na isantabi ng Palasyo ang pag-aalala ng publiko sa kanilang kalusugan at kaligtasan.

“Hindi naman kalabi­sang hingin na tiyakin ng pamahalaan na ligtas at epektibo ang gagamiting bakuna,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *