Saturday , November 16 2024

Magdyowang tulak sa Pampanga nasakote sa buy bust ops

HINDI nakapalag ang magkasintahang hini­hinalang mga tulak na kinilalang sina Danilo Darieles, alyas Dada, 39 anyos; at Rastly Joyce Alfonso, 34 anyos, kapwa residente sa Sta. Lucia, sa bayan ng Sasmuan, lalawigan ng Pampanga.

Nasukol ang dalawa nang ma-flat ang gulong ng kanilang getaway car na Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker number B5-P798 dahil sa tama ng bala.

Nakompiska mula sa magdyowa ang 13 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P88,000 at P1,000 marked money sa inilatag na anti-narcotics operation ng mga elemento ng Mexico at San Fernando City PNP sa pangunguna ng mga operatiba ng Pampanga Drug Enforcement Unit sa nasabing lugar.

Matapos iabot sa bahagyang bukas na bintana ng kotse ng mga suspek ang order ng poseur buyer kapalit ng pera, mabilis na pinaarangkada ang kanilang getaway car nang matunugang awtori­dad ang nakatransaksiyon saka nag-umpisa ang habulan.

Dahil sa paggitgit at pag-ipit sa kotse ng mga suspek ng mga humahabol na mga operatiba ay nabangga nito ang concrete barrier sa kahabaan ng Olongapo-Gapan Road hanggang sumadsad sa ibabaw ng flyover sa intersection nang barilin ng mga pulis ang hulihang gulong nito.

Nagtangka pang tumakas ang mga suspek na mabilis bumaba sa sasakyan at kumaripas ng takbo pababa sa flyover, ngunit naharang ng mga nagrespondeng taong bayan saka isinuko sa pulisya.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *