NARANASAN ng lungsod ng Baguio ang pinakamalamig na umaga ngayong panahon ng Amihan nang bumagsak sa 10.4 degrees Celsius ang temperatura dakong 6:30 am nitong Linggo, 10 Enero.
Dala ang malamig na klima ng umiiral na northeast monsoon o hanging amihan mula sa Siberia na mararanasan sa kalagitaan ng Enero hanggang Pebrero.
Noong isang taon, naitala ang pinakamalamig na temperatura sa 9.4°C, pinakamababa sa loob ng huling tatlong taon.
Samantala, naitala ang pinakamalamig na temperatura sa lungsod noong 18 Enero 1961 sa 6.3° C.