Saturday , November 16 2024

Street dancing kanselado sa Sinulog

SA GITNA ng mga pagkontra mula sa iba’t ibang sektor, napagdesisyonan ng Sinulog Foundation Inc. (SFI) na hindi na ituloy ang mga ‘physical activities’ para sa pagdiriwiang ng Sinulog Festival.

Inianunsiyo nitong Huwebes, 7 Enero, ni Cebu City Vice Mayor Michael Rama, convenor ng Sinulog Festival, ang kanselasyon ng street dancing at grand ritual showdown na nakatakdang ganapin sa 17 Enero.

Nabatid na naglaan ng P25 milyon ang pamahalaang panglungsod para sa pagdiriwang ng Sinulog ngayong taon.

Sinabi ng SFI sa kanilang pahayag na kinakansela nila ang mga physical activity ayon sa payo ni Cebu City Mayor Edgardo Labella.

Ikinonsidera umano ng SFI ang pangamba ng publiko na maaaring maging daan ng paglaganap ng coronavirus disease (CoVid-19) ang mga aktibidad gaya ng street dancing.

Pinayohan ang mga lalahok na contigent na i-record na lamang ang kanilang mga performance na ipalalabas sa pamamagitan ng online streaming.

Inirekomenda ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO 7) sa Regional Inter-Agency Task Force na huwag payagan ang pagdaraos ng street dancing at grand showdown upang maiwasan ang mass gathering.

Nauna nang nagpahayag ng pagtutol ang Cebu Medical Society Inc., sa pagdaraos ng Sinulog Festival.

Samantala, habang hindi na itutuloy ang mga cultural activity, tuloy pa rin ang pagdaraos ng ilang mga gawaing pangsimbahan.

Magtatalaga ang Cebu city police ng 500 tauhan nito upang matiyak ang seguridad sa Fiesta Señor.

Pangunahing aktibidad ng Fiesta Señor ang mga misa novenario sa Basilica Minore del Sto. Niño matapos kanselahin ng mga paring Augustinian ang prusisyon at fluvial parade dahil sa bantang dulot ng pandemya.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *