Kinalap ni Tracy Cabrera
MANILA — Ayon sa ina ng biktimang si Christine Angelica Dacera, pinayagan niyang dumalo sa pagdiriwang ng Bagong Taon ang kanyang anak—kasama ang kanyang mga kaibigan—dahil may tiwala siyang hindi gagawa ng masama ang kanyang supling.
Ngunit lumitaw na ang itinuring na mga ‘kaibigan’ ang nagpahamak sa dalaga dahil tatlo lamang umano ang kakilala rito ng flight attendant habang ang walo pang iba ay pawang mga isinama lamang ng tatlo at hindi tunay na kakilala ng biktima.
Kinasuhan na ng pulisya ang 11 kalalakihan ng rape at murder ng 23-anyos na anak ni Sharon Dacera, na natagpuang walang malay sa isang bathtub sa loob ng silid ng City Garden hotel sa Makati City. Nagdiriwang sila noon ng bisperas ng Bagong Taon nang mangyari ang hindi inaasahan.
Isinugod ang stewardess ng Philippine Airlines sa ospital ngunit idineklarang patay. Nakita ang mga galos at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang may semilya sa kanyang kasarian.
Inihayag ni Makati City Police chief, Col. Harold Depositar, sinampahan ng kaso ang 11 suspek dahil sila ang kasama ng biktima noong namatay siya. Naaresto ang tatlo habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang walong iba. ‘Provisional’ pa lang ang kasong isinampa laban sa mga suspek dahil hinihintay pa ang kompletong awtopsiya at toxicology report para madetermina ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Christine.
Kinompirma ni Depositar na sa 11 kinasuhan nila, “tanging tatlo lang ang tunay na kaibigan ni Dacera. Pawang mga estranghero ang 8 pang iba.”
Binanggit din ng hepe ng pulisya ng Makati na nag-trending ang #JusticeForChristineDacera #ProtectDrunkGirls sa Estados Unidos dahil binigyang pansin nito ang ‘kultura ng rape’na ngayo’y malaking suliranin sa buong mundo.
Dito may pananaw ang ilan na ang mga lasing, high o nagwawalang mga babae ang may pagkakasala kung sila’y gahasain dahil para na rin silang nag-iimbita na sila’y halayin.
Sa isang post sa Instagram, na malaki rin ang bilang ng mga follower ni Dacera, sinabi ng dalaga: “Will only be manifesting and accepting good energy from here on out.” Sa larawan dito, suot pa ng anak ni Sharon ang kanyang uniporme bilang flight attendant habang isang makulay na bukang-liwayway ang nasa kanyang likuran.
Bago malamang wala na siyang buhay, isinalaysay ng ina ng biktima na tumawag pa umano sa kanya ang kanyang supling bandang alas-dose ng hatinggabi. Labingdalawang oras makalipas, doon na ipinagbigay-alam sa kanya na patay na si Christine.
Makikita sa kaso ng dalaga kung paano ang rape, karahasan at pang-aabuso ay bagay na plinano o isinagawa ng malapit na kaibigan at maging kamaganakan ng biktima. Ito ay buhay sa kaisipan ng publiko ngayon sa US dahil na rin sa pelikulang Promising Young Woman, na pinagbibidahan ng aktres na si Carey Mulligan at ibinabasura ang anumang ‘excuse’ sa modern-day ‘rape culture’ na pilit na sinisisi ang biktima at hindi ang gumnawa ng krimen.
“Spread their names. Spread their ugly face.
The cause of rape will always be the rapist and nothing else. Victims should never be blamed because of the sick decisions and behaviors of men,” pahayag ng isang tweet, habang saad naman ng isa pa ay: “No one can be trusted. May your soul Christine Angelica Dacera Rest in Peace.”
Ayon kay Yuji’s Manager (@Tomuraa): “The cause of rape will always be the rapist and nothing else. Victims should never be blamed because of the sick decisions and behaviors of men.”
At komento rin ni Shaniza Salvacion (@ShanizaSalvaci2): “No one can be trusted< þ May your soul Christine Angelica Dacera Rest in Peace #yestodeathpenalty.”
May payo rin ang isa pang netizen: “Don’t trust your friends too much especially boys,” at dagdag pa niya” “Stop victim blaming because she’s drunk, or wearing skirts. Spread their names!”
Kung itatanong natin kung sino nga ba si Christine Angelica Dacera, maaaring may makapagsabi na may malaking katanungan ukol sa kanyang personalidad. Ngunit anoman ang kasagutan dito, iisa lang ang matitiyak — si Christine ay biktima ng isang krimeng hindi dapat hinahayaang mangyari anoman ang dahilan.
Editor’s note: Sa pinakahuling balita pinalaya na ng pisklaya ang tatlong suspek na nasa kustodiya ng pulisya — for further investigation. Nagbigay na rin ng pahayag sa media ang iba pang suspek at itinanggi ang akusasyong rape. Sinabi ng NBI at NCRPO na tuloy ang isasagawang imbestigasyon sa mga suspek.