Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elisse, nasorpresa sa meaningful birthday gift ni McCoy

WALA sa bansa si Elisse Joson kaya pala wala kaming nakitang magkasama o nagkita sila nitong Disyembre para iselebra ang Pasko at Bagong Taon ng boyfriend niyang si Mccoy De Leon.

Nagkabalikan na ang dalawa noong nakaraang taon, Agosto 31 at base na rin sa ipinost ng aktor na larawang nasa yate sila para sa special dinner date na hinalikan niya ang noo ng dalaga.

Nitong Miyerkoles, Enero 25 ay 25th kaarawan ni Elisse at sinorpresa siya ng nobyo ng video greetings kasama ang malalapit nilang kaibigan.

Ang caption ni Elisse sa video greetings na ipinost niya, ”A happy birthday.

“I wasn’t gonna post this but it really made my day. A meaningful birthday gift from miles away. (Iyakin talaga ako pero tears of joy)

“Maraming salamat din sa mga kaibigan ko na naging parte ng video na to. It really means a lot seeing your greetings. Mahal ko kayo. @patchbungubung @_djchacha @cielo_0227 @hashtag_nikko @michellevito @its_enzopineda @sueannadoodles @javibenitezzz @joygarseeyaa @jhingchavez @alexailacad @iamsofiaandres @vinccideguzman @kamjoson @triciasanti @imjanedeleon (saw ur vid too pero hindi lang umabot sa edit nya so sinend separately)

“And of course to u, @mccoydeleon Thank you for singing to me, for getting my friends’ messages together, and for making me the happiest today.”

Ang cute ng tanong ni Elisse kay Mccoy sa unang bahagi ng video dahil may suot na headset si Mccoy at nakaharap sa mikropono, ”kakanta ka? Lalakasan (volume) ko ba ‘to?  Wow, may screen sharing.”

Sagot naman ng binata, ”hindi kita nakikita, pero naka-record naman ito. Sige watch mo na (video).”

Ang unang ipinakita ay ang larawang hinagkan ni Mccoy si Elisse sa noo sa dinner date nila sa yate noong Agosto 31 na may caption na, ”Always all ways.”

Sinundan ng mga kaibigan nila na ang wish ay happy lovelife at sana makauwi na Elisse para matuloy na ang out of town lakad nila.

Si Mccoy and huling bumati, ”Hindi ko alam ang sasabihin ko, kung ano lang talaga ‘yung nasa loob ng puso ko ang sasabihin ko. Marami kaming nagmamahal sa iyo. Ngayong birthday mo, gusto ko happy ka. Gusto ko lahat ng best para sa iyo. I love you so much, I love you. I love you.”

Emosyonal namang pinasalamatan ni Elisse ang boyfriend, ”Thank you for singing to me, for getting my friends’ messages together, and for making me the happiest today.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …