ANG bawat isa sa mahigit 108 milyong Filipino ay may utang na P93,323.70 dahil puspusan ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P10.3 trilyon hanggang noong nakalipas na Nobyembre.
Batay sa datos ng Bureau of Treasury, ang P10.3 trilyong utang ng bansa noong Nobyembre 2020 ay mas mataas ng 1.1% noong Oktubre 2020.
Aniya, si Duterte na ang “heaviest debtor” sa kasaysayan ng Filipinas – sa average na P63 bilyong utang kada buwan kompara kay Gloria Macapagal-Arroyo na P21 bilyon at Benigno Aquino III sa P19 bilyon.
Inaasahan ng Treasury na aabot sa P11.98 trilyon ang utang ng Filipinas sa katapusan ng 2021 bunsod ng mga gastusin sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Nauna rito’y isiniwalat ng think-tank group na Ibon Foundation na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamalakas mangutang na Presidente sa kasaysayan ng Filipinas – sa average na P63 bilyon utang kada buwan kompara kay Gloria Macapagal-Arroyo na P21 bilyon at Benigno Aquino III sa P19 bilyon.
Ayon sa Ibon Foundation, ang bawat pamilyang Pinoy ay may pagkakautang na mahigit P400,000.
Kalahati ng pamilyang Filipino ay kumikita lamang ng P22,000 pababa kaya’t ang pagkakautang nito na mahigit P400,000 ay katumbas ng 18 buwan kita o isa’t kalahating taon.
(ROSE NOVENARIO)