CLEVELAND, OHIO — Masamang balita sa kalalakihan — lumilitaw na makasasama ang CoVid-19 sa kalusugang seksuwal ng mga lalaki at posibleng maging dahilan ng erectile dysfunction (ED).
Napagalaman mula sa bagong pag-aaral na ang surviving CoVid-19 ay maaaring iugnay sa ED at tinutukoy sa isinagawang research sa tatlong factor ang sinasabing potensiyal na nagbubunsod sa ED sa mga lalaking nagkaroon ng virus: ang vascular effects, psychological impact, at overall health deterioration.
Sa vascular effects, ang erectile function ang nagbibigay ng indikasyon sa sakit sa puso, kaya dito nalaman na magkaugnay ang vascular system at reproductive system. Alam din na ang CoVid-19 ay maaaring maging dahilan ng hyper inflammation, partikular sa puso at sa nakapalibot na muscles.
Dito maaaring maharang ang blood supply patungo sa ari sanhi ng pinalalang vascular condition mula sa coronavirus.
Ukol naman sa psychological impact ng CoVid-19, inuugnay din ang mga gawaing seksuwal sa mental health at stress, agam-agam at depresyon mula sa virus at pandemya na dahilan ng sexual dysfunction at poor mood.
Panghuli, ang overall health deterioration ay maaaring makapagpalala ng problema at ang ED ay pangkaraniwang sintomas ng ibang mga suliraning seksuwal.
Ang mga kalalakihang may mahinang kalusugan ay mas malaki ang banta na magkaroon ng ED at gayondin sa pagkakaroon nmg severe reaction sa CoVid-19.
Ayon sa prominenteng urologist na si Ryan Berglund, “ang erectile dysfunction ay maaaring maging senyales ng overall health, partikular sa kabataan at malulusog na indibiduwal na dagliang dinapuan ng erectile dysfunction, lalo makaraang magkaroon ng CoVid-19.
“Another cause for concern regarding the research is the potential testicular damage that can occur following an infection with Covid-19. It’s too early to tell if the damage is permanent, temporary or if it can affect fertility. Age is also an important aspect to consider, as it’s a risk factor for developing both ED and a severe case of Covid-19,” ani Berglund.
“There have been studies showing that perhaps there are cardiovascular effects and other medical effects appearing from Covid-19, but the answer is that it’s just too early to tell what exactly all of the long-term effects are,” dagdag ng espeysalista.
“We know there are a number of different ways that the virus could cause erectile dysfunction, but much more research is needed before we know for sure.” (TRACY CABRERA)