ANG pagkilala sa frontliners bilang bayani sa gitna ng pandemya ng coronavirus ay laganap na sa mundo at kahit ang aktor na si Liam Neeson ay nagbigay pugay sa mga nurse at doktor sa pamamagitan ng pagpapadala ng bouquet ng mga bulaklak sa Royal Melbourne Hospital sa Australia.
Sadyang nabighani ang hospital staff makaraang matanggap ang ‘surprise delivery’ mula kay Neeson, na nagpadala ng mga bulaklak na may kasamang video message at isang card na nagsasabi: “(To the) lovely Aussie and Irish nurses.”
Ayon sa mga nars sa naturang ospital, ang hindi inaasahang delivery ay nagpapatunay lamang na tunay ngang ‘maginoo’ ang Irish actor at kung paano na-appreciate ni Neeson ang serbisyong pinagkaloob nila sa kanya sa Australian hospital na matatagpuan sa Parkville, Victoria.
Ang totoo, tubong County Antrim sa Northern Ireland si Neeson at ipinaliwanag niyang kaya siya nagpadala ng mga bulaklak ay upang ipakita niya ang kanyang respeto sa trabaho ng mga frontliner.
Sa kasalukuyan ay may shooting siya ng kanyang bagong action movie na Backlight sa outer suburbs ng kabisera ng Victoria state.
Mababasa naman sa post na ibinahagi ng Royal Melbourne Hospital ang pasasalamat ng mga nurse at doktor: “I will find you… and I will… treat you” — a nod to Neeson’s perhaps most famous line from the surprise hit Taken.
Patuloy ng mga frontliner: “Liam Neeson is filming a movie in Melbourne and was kind enough to send in some flowers to our Acute Medical Unit, which was a COVID-19 ward this year.
“Thanks Liam, from all of us starstruck at RMH!”
Noong buwan ng Abril, nasa quarantine lockdown si Neeson sa kanyang tahanan sa Sharon, Connecticut, ngunit naghanda pa rin siya ng special video para sa staff ng New Milford Hospital sa Connecticut.
Aniya: “As someone who is personally connected to the Sharon community, I’ve seen firsthand how courageous, dedicated, professional, and resilient the clinical staff are at Nuvance Health hospitals.”
Nagpatuloy siya: ”During this challenging and worrisome time, I’m feeling encouraged by the hospital’s readiness for this serious health crisis.
“Let’s show the Nuvance health heroes how much we appreciate their devotion and commitment to patient care.
“Together, we’ll get through this. Let’s make that our promise to one another.”
Kinalap ni Tracy Cabrera