NAKAPANAYAM ng Snow Queen LA ang dating pound-for-pound king Vasiliy Lumachenko at nagpahayag ito ng ilang pananaw sa mga kapwa elitistang boksingero sa lightweight division.
Pinuna ni Lomachenko (14-2, 10 KOs) si Ryan Garcia na ipinakakalat na naging matamlay siya sa naging sparring nila kung kaya natalo siya kay Teofimo Lopez. Katunayan ay hindi humarap si Garcia sa footage ng kanilang session dahil sa tinamong pasa sa mukha sanhi ng matitinding patama ng dating kampeon.
At dahil sa nakita niyang kalidad ni Garcia sa sparring, pinipili niyang mananalo si Luke Campbell na makakaharap nito sa Linggo, iyon ay kung nasa tamang lakas na si Campbell na matatandaang naging biktima ng Covid-19.
Sa isyu ng kanyang inakyatang timbang, sinabi ni Lomachenko na komportable naman siya sa super lightweight, kahit pa nga pinayuhan siya ni Bob Arum na bumalik sa 130 pounds pagkatapos matalo kay Lopez. Dagdag pa ng tinaguriang “Hi-Tech” na target niyang makaharap ang WBA “world” champion Gervonta Davis. May gusto raw niyang makaharap ang isang southpaws tulad ni Davis. Pero inamin niya na tipong malabo na makaharap agad niya si “Tank” sa susunod niyang laban.
Kailangan pa niyang paghilumin ang natamong ‘shoulder injury” sa naging laban niya kay Lopez. Ayon sa kanya, nakuha niya ang injury nang magbigay siya ng kombinasyon sa 2nd round na siyang nakapuwersa sa kanyang balikat.
Nang tanungin kung saan lumamang si Lopez at kung anoung rounds naman ang kanyang nasungkit sa nasabing laban. Naniniwala siyang nanalo siya sa rounds 2, 7 hanggang 11. Posibleng lamang siya sa sixth para tratuhin ang final scoring sa 6-6 draw o 7-5 pabor sa kanyang panalo.