Thursday , December 26 2024

Konduktora, lalaki patay sa nagliyab na bus sa QC (Likido ibinuhos ng ‘pasahero’)

nina ALMAR DANGUILAN/MICKA BAUTISTA

DALAWA katao ang nalitson nang buhay habang apat katao ang sugatan kabilang ang bus driver nang sabuyan ng isang pasaherong lalaki ng likidong hinihinalang gaas o ethyl alcohol ang babaeng konduktor, saka sinilaban sa bahagi  ng Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Patay ang kondukto­ra na kinilalang si Ame­lene Sembana, at isang hindi pa kilalang lalaki, ayon sa inisyal na ulat ng QC Bureau of Fire Protection.

Kinilala ang iba pang sugatan na sina Valentino Obligacion, 45 anyos, bus driver; Jhocilyn Andrade, Lolito Lugay, at Maria Christine Lario.

Ayon sa BFP, pasado 1:20 pm kahapon, 3 Enero, habang binabaybay ng bus ang southbound lane patungong  Pearl Drive sa  Greater Fairview, nang bigla itong magliyab.

Ngunit bago mag­liyab ang bus, nagtalo umano ang konduktora at isang lalaking pasahero tungkol sa tamang babaan.

Sinabi naman ng isa pang pasahero na nag-away ang dalawa dahil nakikipaghiwalay umano ang konduktora sa lalaki.

Alinman sa dalawang motibo o dahilan ng pagsunog sa konduktora ay hindi pa kinokom­pirma ng pulisya.

Hanggang itulak umano ng lalaking pasa­hero ang kondukturang si Sembana sa likurang bahagi ng bus na ikina­tumba nito.

Nang makabangon si Sembana, itinulak umano nito ang lalaking pasahero, na noon ay biglang dumukot sa bulsa saka inilabas ang isang maliit na botelya na may lamang likido at isinaboy sa babae.

Dahil dito, nagka­tulakan at kanya-kanyang pulasan at talunan ang mga pasahero sa binasag na bintana ng bus.

Ayon sa mga nakasaksing tambay sa Barangay North Fairview, napanood nila ang insidente at nakitang may na-trap umano sa loob ng sasakyan.

Sa pahayag ni  Obligacion, ng Fairview Bus, may plakang NAL 6673, at body number 1606, may ibinuhos ang isang lalaking pasahero sa konduktora saka niliyaban na naging sanhi ng pagkasunog ng bus.

“May nakaaway po ‘yung konduktora, isang pasahero… Noong nakita ko na lang po, tumatakbo na ‘yung konduktora ko, sinindihan siya no’ng pasahero… doon na po nag-umpisa ang sunog,” ayon kay Obligacion.

Ayon sa pasaherong si Jennifer Lutao, binuhusan ng lalaki ang konduktora ng likido na nakalagay sa isang maliit na bote.

Sinisi ng mga pasahero ang mga plastic barrier kaya umano mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bus.

“Itinulak ng kaaway niya papunta roon sa dulo, sa amin. Noong tumayo ‘yung konduk­tora, ginatihan niya ‘yung kaaway niya,  ‘yung pasahero. Nagsapakan sila, suntukan,” ani Lutao.

Sinabi ng isang Gemma Acanto, agad binuksan ng driver ang pinto ng bus nang magkaroon ng apoy, kaya agad nagtalunan ang mga pasahero habang ang iba ay dumaan sa binasag na bintana.

Nabatid kay SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station, naapula ang apoy dakong 1:20 pm.

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *