Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine Barretto, naputulan ng koryente

NAPATULAN ng koryente ang bahay ni Claudine Barretto ngayong Pasko base sa kuwento ng legal counsel niyang si Atty. Ferdinand Topacio nang mag-guest sa Take it Per Minute FB Live nina Nanay Cristy Fermin, Mr. Fu, at Manay Lolit Solis kahapon ng tanghali sa Obra ni Nanay.

Nakalulungkot kasi holidays pa naman dapat ay masaya not just for Claudine, ‘yung mga bata sana kaya lang naging madilim ang kanilang holidays dahil nga sa nangyari,” bungad ng abogado.

Magkano ba inabot ang koryente ng aktres tanong ng mga host?

Hindi ko alam, eh!  Basta ‘yun nga nakalulungkot and I don’t think na nakakahiya naman ‘yun kasi hindi naman niya (Claudine) kasalanan ‘yun dahil may agreement sa hukuman na may P100k a month na para rin sa mga bata hindi lang naman si Claudine ang gumagamit ng kuryente roon, sana kung nagbukas ng ilaw si Claudine lang ang may liwanag.  Lahat ng (kapitbahay) may kuryente,’’ kuwento pa.

At nagkausap naman na sina Atty. Topacio at Claudine, “we tried our best na matulungan siya, ‘yun mga ibang relatives niya siyempre tumulong din naman.”

Kay Mommy Inday Barretto nagpunta sina Claudine kasama ang mga anak para roon magpalipas ng Pasko.

Hirit ni ‘Nay Cristy, “Isipin mo, Claudine Barretto, milyon-milyon ang bayad sa kanya sa mga teleserye at namimigay ng tulong sa kapwa, umiikot talaga ang mundo.”

Kumusta sina Raymart Santiago at Claudine tanong ni Mr. Fu sa abogado.

‘’Of course they’re not on good terms kasi nga ang feeling niya ay talagang ginigipit siya ni Raymart.

Acknowledge na ‘yan (100k) sa korte na iyan ang minimum na kinakailangan (ibigay). Alam n’yo kung tutuusin hindi naman malaki ang P100k sa panahong ito, eh, ‘di ba? Mga anak mo naman ‘yun, pagkain nila, alam naman na mahal ngayon etcetera. Hindi naman kung saan-saan lang nakatira.  May kita naman and I don’t believe na hindi kaya ni Raymart ‘yung isang P100k kasi ipinakita sa akin ‘yung mga post niya, nakabili siya ng BMW na motorsiklo. 

“E, para naman ito sa anak mo. And it’s also a criminal offense, he has to choose.  Saan niya gagamitin ‘yung P100k? Sa sustento ng mga anak niya o sa abogado niya? Isinumpa ko kay Claudine na I will not stop, every month na hindi siya magbigay ng sustento magpapadala ako ng letter of demand at ‘pag hindi niya sinunod, that’s another count of Violence Against Women and Children. Eh, siguro kung may sampung demanda na siya mare-realize niyang mali siya,” pahayag pa ni Atty. Topacio.

Marami pang kuwento ang abogado at mapapanood ito sa FB Live ng Take It Per Minute #81.

Bukas ang pahinang ito sa panig ni Raymart o ng abogado niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …