Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janine, mas pinili ang ABS-CBN kaya ‘di na nag-renew sa GMA7

HINDI totoong hindi ini-renew si Janine Gutierrez ng GMA 7 kundi siya mismo ang hindi nag-renew dahil mas gusto na niyang maging freelancer as an artist.

Ito mismo ang tsika sa amin ng taga-GMA 7 na huwag na huwag kong banggitin ang pangalan niya.

“Nalulungkot siyempre ang management kasi nagsabi si Janine na mas gusto niyang maging freelancer, gusto niyang makipag-trabaho sa ibang artists na hindi pa niya nakaka-work, kaya iginalang naman ng management ang decision niya.

“Actually may gagawin siyang TV series for 2021 with Rayver Cruz, ganda sana ‘di ba, eh, wala na siya, so iba na lang makakasama ni Rayver,” pagtatapat ng aming source.

Nanghinayang din kami dahil pagkakataon na rin sanang magkatrabaho ang magkasintahan pero hindi natuloy, baka hindi talaga sila destined na magsama pa.

Nabanggit din sa amin ng taga-Siyete na naging honest sa GMA 7 si Janine na may offer nga ang ABS-CBN sa kanya na gustong-gusto ng aktres kaya siguro napa-oo siya. Ang hindi lang alam kung exclusive ang kontrata ng dalaga sa Kapamilya Network o per project lang.

Hmm, ano kayang masasabi ng boyfriend ni Janine na si Rayver tungkol dito?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …