Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charlie Dizon, ‘laban kung laban kina Nora, Ritz, Iza, at Sylvia

HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay mainit na pinag-uusapan sa apat na sulok ng showbiz na malakas ang laban sa kategoryang Best Actress sa virtual Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2020 (ginanap kagabi) ang baguhang si Charlie Dizon sa pelikulang Fan Girl kasama si Paulo Avelino mula sa Star Cinema at Black Sheep na idinirehe ni Antoinette Jadaone.

Ang mga narinig naming komento, “Kung may sinehan, malamang nasa R-16 ang ‘Fan Girl,’ hindi ito pambata kasi puro murahan at nagpakita ng suso si Charlie, tapos itong si Paulo, notang peke naman ang pinag-uusapan. Eh, sa ginawa nilang dalawa, malamang sila ang Best Actress at Best Actor dahil sa suso at nota.”

Hindi pa namin napanood ang pelikula kaya na-curious tuloy kami sa kuwento sa amin tungkol sa mga eksena. In fairness sa trailer, magaling si Charlie kaya kung siya ang manalo, keri naman.

Pagdating naman sa makakalaban ay ilalaban namin si Sylvia Sanchez sa Coming Home dahil mahusay siya rito bilang ina at asawa na gustong buuin ang pamilya dahil may dahilan siya.

Nang mapanood namin ang Coming Home sa advance screening nito sa TBA Studios kamakailan ay hindi na kami nagulat sa husay ni Ibyang dahil may bago na naman siyang ipinakita sa pelikula. Hindi siya bungangerang nanay at asawa, hindi rin mahirap ang karakter niya at hindi siya losyang dahil lagi siyang nakabihis kaya naman kapag siya na ang nasa kamera ay lumiliwanag ang eksena dahil sa sobra niyang puti at ang ganda niya, natural beauty talaga.

Pero siyempre, ‘wag nating i-menos sina Nora Aunor, Ritz Azul, at Iza Calzado.

Sinuman ang nanalo sa MMFF 2020 ay binabati namin kayong lahat mula sa pahayagang Hataw.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …