Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aizyl, Justin, at Mika, posibleng mapalabas ng Bahay ni Kuya

NANGANGANIB na mapaikli ang paninirahan nina Aizyl TandungonJustin Dizon, at Mika Pajares sa Bahay ni Kuya dahil isa sa kanila ang maaaring mamaalam na bilang housemate sa nalalapit na first eviction night ng PBB Connect sa Linggo, Disyembre 27.

Base sa naging botohan ng housemates, si Aizyl ang nakaani ng maraming boto para sa eviction na may 17 puntos. Sumunod naman si Mika na may pitong (7) puntos, habang apat (4) na puntos ang nakuha ni Justin.

Katulad ng ibang edisyon ng PBB nasa kamay ng outside world kung sino ang gusto nilang manatili pa sa bahay ni Kuya. Pero para sa unang eviction night ng PBB Connect sabay na magagamit ng taumbayan ang kanilang power to save and power to evict sa pamamagitan ng SMS at Kumu.

Para iboto ang housemate na gustong iligtas, i-text ang BBS NAME OF HOUSEMATE sa 2366. Para naman sa housemate na gustong i-evict, i-text ang BBE NAME OF HOUSEMATE sa 2366. Maaari lamang magpadala ng (1) boto ang bawat sim kada araw.

Sa Kumu naman, maaaring bumoto ang Kumunity para iligtas o i-evict ang nominadong housemate sa pamamagitan ng pagpapadala ng virtual gifts. Pumunta lang sa campaigns at i-click ang voting page tab tapos piliin ang offline stream ng housemate na gustong iligtas o i-evict para mapadala ang virtual gift. 10 boto lang kada araw ang pinahihintulutan sa bawat Kumu account.

Samantala, opisyal ng nakapasok sa Bahay ni Kuya ang ika-15 housemate na si Ralph Malibunas na lumipad pa mula sa Paris, France. Nasorpresa ang housemates sa pagdating ni Ralph na nagsuot ng Santa Claus costume para hindi agad makilala ng kapwa housemates.

Abangan ang mga pangyayari sa PBB Connect sa primetime, 8:30 p.m. sa A2Z channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at ABS-CBN Entertainment Channel.

Samahan din sina Bianca at Robi sa PBB KUMUnect Tayo ng 10:00 p.m. (weekdays) at 8:30 p.m. (weekends) at sina Melai at Enchong sa PBB KUMUnect Tayo Afternoon Show ng 5:00 P.M. sa PBB Kumu account (https://app.kumu.ph/PBBabscbn).

Abangan din ang updates ni Richard anumang oras sa araw sa PBB official accounts sa Facebook (PBBABSCBNTV), Twitter (PBBABSCBN), Instagram (PBBABSCBNTV), at YouTube (Pinoy Big Brother).

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …