Saturday , November 16 2024

‘Red-tagging’ sentensiya ng kamatayan

ni ROSE NOVENARIO

NANAWAGAN ang mga pambansa at pandaigdigang samahan ukol sa karapatang pantao kabilang ang Amnesty International (AI) sa gobyernong Filipino na itigil at wakasan ang ‘red-tagging’ dahil nalalagay sa panganib ang mga biktimang nababansagan nito.

Ayon sa AI, ang mga nagtatanggol sa kara­patang pantao at iba pang aktibista ay duma­ranas ng marahas na pag-atake kabilang ang pamamaslang, panana­kot ng mga hindi kilalang indibidwal, at higit sa lahat pag-aresto at pade­detine sa mga naba­bansagang ‘pulahanes.’

Ayon sa isang human rights advocate, ang ‘red-tagging’ ay tila ipinataw na sentensiya ng kama­tayan sa nabansagan nito.

Nitong nakaraang linggo, pinaslang ang isang babaeng doktor na opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na iniugnay sa mga rebeldeng komu­nista, at kanyang mister nang tambangan ng motorcycle-riding gun­men sa Guihulngan City, Negros Oriental kama­kalawa ng gabi.

Kung gaano kabilis maglabas ng pahayag ang Malacañang kapag may namamatay na per­sonalidad, politiko o negosyante, nakabibingi ang katahimkan ng mga opisyal ng Palasyo at ng IATF sa karumal-dumal na pagpaslang kay Dr. Mary Rose Sancelan at asawang si Edwin sa Barangay Poblacion, Guihulngan City kama­kalawa ng dakong 5:30 ng hapon.

Batay sa ulat, si Sancelan ang city health officer ng Guihulngan at incident commander ng IATF sa siyudad.

Ayon sa human rights group Karapatan, ang doktor ay kasama sa hit list ng anti-communist group na Kagubak at tinukoy na target ng asasinasyon dahil sa alegasyon na siya ang tagapagsalita ng Leo­nardo Panaligan Command ng New People’s Army (NPA) sa Central Negros.

Kasama rin umano sa listahan sina Atty. Anthony Trinidad at Heidie Malalay Flores na pinatay nitong nakalipas na mga taon.

Kaugnay nito, kinon­dena ni Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos sa Negros Island ang pagpaslang sa doktor at sa kanyang asawa at tinawag ang krimen bilang “unwelcoming of the spirit of the Season of Christmas.”

“If the government cannot protect us, who else will? If the government cannot protect us, how are we ordinary citizens to be expected to trust this government?” sabi ni Alminaza.

Umaasa ang obispo na magkakaroon ng mabilis at determinadong imbestigasyon sa pag­paslang sa mag-asawa at hiniling sa lahat na ipanalanging magwakas na ang patayan.

“Join me in prayer in the face of unstoppable murders in our Diocese. Join me in hope that these killings will soon end,” aniya.

“But join me, too, in condemning, in the strongest possible terms, the senseless murder of helpless civilians and dedicated servants of government,” dagdag niya.

“Today, more than ever, the Filipino families do not deserve this senseless gift of violence,” giit ni Bishop Alminaza.

Sa ilalim ng international law at iba pang pamantayan, ang Filipinas ay may obli­gasyon na pangalagaan at proteksiyonan ang karapatan para sa lahat, kagilang ang karapatang mabuhay, kalayaang makapagpahayag, at kalayaang para sa payapang pagtitipon, na ginagarantiyahan ng  International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) na ang bansa ay isang state party.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *