Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie-Bea movie, ‘di natuloy dahil sa Covid at pagsasara ng ABS-CBN

INAMIN ng Star Cinema managing direktor na si Ms Olivia Lamasan na hindi natuloy ang dream project nilang reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil sa pandemya at pagsasara ng ABS-CBN.

Sa panayam ni MJ Felipe kay Inang (tawag kay Direk Olive), “it was supposed to shot in Florence, Italy. It’s a romance drama. It was to be directed by Cathy Garcia Molina, so reunion movie nila.”

Pero dahil sa pandemya ay nasira ang plano at sinubukan naman daw i-adjust ang pelikula sa Pilipinas pero hindi umabot.

“Nahiya nga kami kuna Lloydie at Bea kasi they waited for a year for this. Sana hindi sila magtampo, but were not losing hope na mag-materialize ang project na ito and were inviting John Lloyd and Bea to be co-creators to get involve sa concept level palang,” pahayag ni direk Olive.

Naging emosyonal din ang ehekutibo dahil nagpahayag ng malasakit ang ilang ABS-CBN talents para tulungan ang kompanya tulad nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Toni Gonzaga-Soriano na tinanggap ang digital show na I Feel You.

“Ito ‘yung mga lumaki sa amin na naiyak ako kasi parang pagbabalik tanaw nila ng utang na loob na out of the blue na sinasabi nila na ‘makatutulong po sa inyo, sa Star Cinema, gagawin po namin, Inang we’re ready.’”

Nabanggit din ni Inang na hindi nila kaya ang talent fee ng KathNiel at ni Toni pero sinagot siya ng, ‘hindi po natin pag-uusapan.’

Anyway, umaasa ang lahat na mawala na ang Covid19 pandemic para masimulan na ang pelikula ng KathNiel at LizQuen.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …