Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangarap na engagement ring ni Jessy, natupad (P5-M, halaga ng diamond ring)

DALAWANG buwang itinago nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang engagement dahil ginanap ito sa unang linggo ng Oktubre nang mag-propose ang una pagka­lipas ng apat na taong mag­kasinta­han.

Naunang mag-post ang dalawa sa kani-kanilang IG account nitong Biyernes, Disyembre 11 ng ‘12-12-2020’ na iginuhit sa puting buhangin sa dalampasigan ng Amanpulo na kinunan ang kanilang pre-nuptial shooting kaya sila naka-formal wear.

Inisip ng lahat ay ikakasal na ang dalawa o kaya may photo shoot para sa isang product endorsement.

Iyon pala, petsa na inanunsiyo nina Luis at Jessy na engaged na sila.

Bakit 12-20-2020, tanong namin sa kaibigan ng dalawa.

“Gusto lang nila ‘yung number,” kaswal na sagot sa amin.

Anyway, nakausap ni MJ Felipe sina Luis at Jessy sa pamamagitan ng Zoom nitong Sabado at saka ipinalabas sa TV Patrol kinagabihan.

Simula ni Jessy, ”Everyone is congratulating us, kahit ‘yung mga hindi namin kilala naiiyak sila kasi nakita nila ang journey ng relationship namin ever since from the beginning. Pero alam mo nakatutuwa rin na naitago namin for a long time, parang we had this small bubble na mayroon tayong secret.

Sabi rin ni Luis, ”Ang sarap din kasi na it was between us lang, pero ang sarap din na the whole world is happy for us, so it’s a mix of feelings.”

Natupad ang pangarap na engagement ring ni Jessy na siya mismo ang namili na ayon sa nakakita ay aabutin ng P5-M ang halaga ng Diamond ring ng dalaga.

“The moment na luluhod na siya tapos titingnan ka na niya sa mata, tapos sasabihin niya ‘yung mga bagay na ipinapangako niya sa ‘yo and when he finally asks you that question na, ‘Will you marry me?’ Hindi ka na makakasalita, I was so shocked. Finally, ‘pag nasuot mo na ‘yung ring eto na pala ‘yun, he’s really the one na. Lahat ng pinagdaanan namin both smiles and cries, led to this moment!” balik-tanaw ng aktres.

Umaming pressure rin sa parte ni Jessy dahil ang daming nagtatanong kung kailan sila ikakasal ng nobyo.

“Matanda na siya (Manzano) at marrying age na. He respected my timeline also, when we got together kasi, hindi ko naman sinasabi na matanda na siya, (laughs) medyo malaki ‘yung age gap namin, pero we work well kasi, kaya sinasabi ng ibang tao na marrying age na siya,” natawang sabi ni future Mrs. Luis Manzano.

Sa 2021 ang plano nina Luis at Jessy na magpakasal.

“We are looking at next year, mid next year. Andami naming mga kaibigan na nagkaroon ng long engagement, some of our friends are telling us na best advice that we could give you is ‘wag na kayo mag- long engagement, if you can plan it shorter, do it,” pahayag ng dalaga.

At sana mawala na ang Covid19 pandemic para ligtas ang lahat ng dadalo sa kasal nila at kompleto ang buong pamilya na hindi sa Metro Manila magaganap ang kasalang Manzano-Mendiola.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …