Nanawagan ang National Food Coalition (NFC) sa pamahalaan na magpasa ng batas na magsisigurong labanan ang kahirapan at kagutuman sa bansa.
Sinabi ni Aurea Miclat-Teves, pangulo at convenor ng National Food Coalition (NFC) , isang non-government group, nais nilang tumulong sa mga lider ng bansa para sa pagsusulong ng mga tamang polisiya para malabanan ang kahirapan at at kagutuman sa Pilpinas.
Ang naturang hakbang ay upang maipatupad ng gobyerno ang National Food Policy (NFP) na tutugon sa pangunahing problema sa pagkain at kahirapan sa bansa.
Nabatid na noong nakaraang linggo ay nagsagawa ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ng serye ng konsultasyon sa mga stakeholders sa gobyerno at pribadong sektor sa NFP.
Ayon kay Nograles, sa nasabing konsultasyon ay nagresulta ng inputs, mga kumento at suhestiyon mula sa NFP na inilunsad noong Oktubre.
Paggigiit ni Miclat-Teves, kahit na nagtatag ng task force ang gobyerno ay kailangna pa din ng batas para sa national food policy sustainable.
“This could also serve as a legal back-up to any economic and social program on hunger and poverty,” ayon kay Miclat-Teves.