Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mang Kepweng ni Vhong, suportado ni Vice Ganda

VHONG Navarro is back para sa ikalawang libro ng Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na mapanonood simula ngayong Disyembre 25 hanggang Enero 8, 2021.

Sa virtual mediacon ng MK2 nitong Martes ng gabi ay inamin ni Vhong na hindi siya masyadong kabado ngayon dahil hindi niya makakatunggali sina  Vice Ganda, Coco Martin, at Vic Sotto na taunang may entry sa MMFF.

“Siyempre ‘yung totoo, nabawasan ‘yung kaba ko, kanti. Kasi siyempre iba ‘yung  Vice, iba ‘yung Bossing, iba ‘yung Coco, eh. ‘Di ba kapag filmfest, every year

‘yan, makikita mo sila, talagang banggaan ‘yan sa takilya,” katwiran ng komedyante.

Pero may panghihinayang pa rin dahil hindi ito mapapanood sa mga sinehan kundi  sa online platform sa pakikpagtulungan ng Globe at Upstream.ph sa halagang P250 na buong pamilya ay maaari nang makapanood ng isang pelikula.

“Masaya dahil nakapasok kami, ang ‘Mang Kepweng.’ Kaya lang nandoon  ‘yung konting lungkot kasi nga hindi tulad nang ini-expect natin na film fest.

“Ito ‘yung makabago. Na ang ie-enjoy na lang natin dito ay kung paano tayo papasok sa makabagong paraan at kung paano mae-enjoy pa rin ng tao na para silang nanonood sa totoong sinehan.

“Ang importante kasi rito ay kasama mo ang family mo. Basta para sa akin itong ‘Mang Kepweng’ ay ibinigay ko po ‘yung best ko at ibinigay namin ang

best naming lahat, kaya sobrang saya ko,” sambit pa ng aktor.

Ayon kay Vhong ay suportado ni Vice ang Mang Kepweng:  Ang Lihim ng Bandanang Itim dahil kasama sa pelikula ang kanyang boyfriend na si Ion Perez.

“‘Yun po nagsabi naman po siya, hindi ko alam kung sa live o sa taping niya binitawan. Kasi parang sinabi niya roon na wala muna akong Metro Manila

Film Festival ngayon pero naka-support ako ngayon kay ‘Mang Kepweng,” kuwento ni Vhong.

Bukod kay Vhong ay kasama rin sina Jaclyn Jose, Barbie Imperial, Ritz Azul, Joross Gamboa, Fumiya Sankai, Yamyam Gucong, at Ryan Bang,

mula sa direksiyon ni Topel Lee at produced ng Cineko Productions at Star Cinema.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …