KABILANG si Kim Chiu sa pitong local celebrities na napasama sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars na inilabas kamakailan.
Ang ibang local celebrities ay sina Angel Locsin, Marian Rivera-Dantes, Anne Curtis, Vice Ganda, Kathryn Bernardo, at Sarah Geronimo-Guidicelli.
Ang mga nabanggit na pangalan ay walang kasing saya ang nararamdaman lalo’t malapit na ang Kapaskuhan na magandang regalo ito para sa kanila.
Bukod dito, ka-level na nila sina Chris Hemsworth, Arashi, Red Velvet, Black Pink, BTS, Mario Maurer, Lee Min Ho, Hugh Jackman, Keith Urban,
Lee Dong Wook, Donnie Yen at marami pang iba na nasa listahan ng Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars.
Ang titulo ay, Features 100 singers, bands, film, and TV stars with a strong social media presence in the Asia-Pacific region.
Ang paglalarawan kay Kim ay, “Chiu used a viral video gaffe during a live stream in May as the basis for The Classroom Song. A live performance of the
hit has over 9 million views on YouTube. Chiu then sold The Classroom Song branded T-shirts to raise money for pandemic relief.”
Sino nga ba naman kasi ang makalilimot sa Bawal Lumabas statement ni Kim sa panahon ng Covid19 lockdown nitong Mayo?
“Sa classroom may batas, bawal lumabas, oh bawal lumabas. Pero ‘pag sinabi, ‘pag nag-comply ka na bawal na lumabas pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila, inayos mo ‘yong law ng classroom niyo at sinumbit mo ulit ay pwede na pala ikaw lumabas.”
Ang daming netizens na kumita sa Bawal Lumabas statement ng aktres dahil ginawan ito ng memes sa Tiktok at dito naisip ng musikerong si Adrian Crisanto
na gawing kanta kasama ang Squammy Beats na ipinrodyus nila kasama si Jonathan Manalo para ABS-CBN Star Music na viral ulit kaya malaki ang
kinita rito ni Kim sa kanyang YouTube channel bukod pa sa ibang platforms na ipinantulong naman niya sa mga nangangailangan noon dahil sa pandemya.
Anyway, ini-repost ni Kim sa kanyang IG ang larawan niyang kasama siya sa Forbes Asia’s Top 100 Digital Stars at nabanggit ng aktres na habang isinusulat
niya ang caption ay tumutulo ang kanyang luha sa saya.
“Ang #bawallumabas umabot ng FORBES.Com I’m literally crying while typing all these.
“Grabe po! I am just thankful for everything God has been giving me. My faith has been tested this year but I never gave up on trusting his will, ALL IN HIS GLORY! ALL FOR YOU FATHER GOD!
“THANK YOU @forbes for this recognition there is truly LOVE AND LIGHT! MARAMING SALAMAT PO! WOW!!!!!”
Katatapos lang ng virtual mediacon ni Kim para sa Bawal Lumabas iWantTFC series niya nang makita ang balita habang nag-scroll siya ng cellphone niya.
“I was sitting in this chair today(last photo) as I was able to rest a bit after our media con for #BawalLumabasTheSeries airing next monday dec14 on IWANT TFC, scrolled thru my phone and social media then I saw this! HALA!“Then I search the link https://www.forbes.com/sites/ranawehbe/2020/12/07/forbes-asias-100-digital-stars/?sh=5ec9a13578db .
“TOTOO NGA!”
Samantala, ang Bawal Lumabas series ay mapapanood simula Disyembre 14-19 sa iWantTFC mula sa direksiyon ni Benedict Migue handog ng Dreamscape Entertainment kasama sina Rafael Rosel, Kyle Echarri, Francine Diaz, Trina Legaspi, Paulo Angeles, at Giselle Sanchez.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan