Wednesday , December 25 2024

Duterte kulelat sa libreng mass testing (Sa pandemyang CoVid-19)

MAKARAAN ang siyam na buwan na paulit-ulit na panawagan ng iba’t ibang grupo para sa free CoVid-19 mass testing, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hahanap siya ng paraan upang maisakatuparan ito.

Depensa ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi totoo na masyado nang huli ang diskarte ng Pangulo para sa free mass testing.

“Hindi po totoo iyan. Sa mula’t mula po ang ating prayoridad ay i-improve ang ating testing capacity kaya nga po ngayon, tayo po ngayon ay isa sa may pinakamataas na testing capacity sa buong Asya,” sabi ni Roque sa virtual press briefing kahapon.

Sa kanyang public address kamakalawa ng gabi, sinabi ng Pangulo na gusto niyang gawing libre ang CoVid-19 test sa bawat Pinoy dahil obligasyon ng gobyerno na bigyang proteksiyon ang kanyang mamamayan.

“So, is there a way that we can spend for all of this testing? Makabili tayo, makamura tayo, kung may pera pa maghanap tayo so that it is actually to me the sacred duty of government to protect its citizens,” aniya.

“Tingnan ko kung may pera at magbili na lang tayo and in all government hospitals or in health centers, maibigay natin libre. Free of charge. Target the first or second quarter if you can have a program where I can review and look for the money,” dagdag ng Pangulo.

Kitang-kita aniya ang problema sa kakayahan ng tao na makapag-swab test sa mga paliparan na ang mga pasahero ay kailangan magpakita ng negative swab test result bago makasakay ng eroplano.

Inutusan niya si Health Secretary Francisco Duque III na magbalangkas ng programang free swab test sa first quarter ng susunod na taon.

Nagtakda ng price cap para sa presyo ng CoVid-19 test noong nakalipas na buwan, sa private laboratory ay P4,500 hanggang P5,000 habang sa government laboratory ay P3,800 at sagot ng PhilHealth ang P3,409 kaya’t halos P400 ang babayaran ng bawat tao.

Gusto ng Pangulo sa mga hotel manatili ang mga magpopositibo sa CoVid-19 kahit wala pa sa critical level ang capacity, ang mega quarantine centers na itinayo sa panahon ng pandemya.

“Sa report din kahapon ni Secretary Duque e wala pa po sa 50% iyong ating isolation facilities. Pero ito po ay preparasyon dahil alam natin na iyong tracing at isolation ay crucial po para labanan itong virus na ito kaya dinadamihan po natin ang ating facilities nang sa ganoon lahat ng na-expose ay mabigyan po ng mandatory quarantine facility,” paliwanag ni Roque sa hirit ng Pangulo kaugnay sa mga hotel. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *