Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Chiu, pinakamalaking artista ngayon ng ABS-CBN

SI Kim Chiu ang huling pumirma ng kontrata sa Star Magic (wala siyang co-manager) nitong Disyembre 4 at kung ibabase natin sa chronological order ay ang aktres ang pinakamalaking artista ngayon ng talent management ng ABS-CBN na pinamamahalaan na ngayon ni Direk Laurenti Dyogi na siya ring Entertainment Production Director at Head Director ng Pinoy Big Brother.

Oo nga, nawala na sa listahan sina Piolo Pascual, Maja Salvador at iba pa dahil napapanood na sila sa ibang TV network. Si Bea Alonzo naman ay bumitaw na sa Star Magic pero eksklusibo ang kontrata niya sa Star Cinema pagdating sa pelikula. Si John Lloyd Cruz naman ay ilang taon ng naka-leave.

Going back to Kim ay napanood namin kung paano siya pinasalamatan ng mga executive ng ABS-CBN sa contract signing dahil hindi sila iniwan ng aktres.

Nangako naman si Kim na kahit anong mangyari ay hindi nya talaga iiwan ang network na nakadiskubre sa kanya at nagtiwala sa mahabang panahon.

“I’m so happy! I’m so very happy!” tumitiling sigaw ni Kim pagkatapos niyang pumirma ng kontrata bilang Kapamilya pa rin siya, sabay sabing, “wala, gusto ko lang silang guluhin para ibang level lang, pampatagal malas.” 

Tawang-tawa naman ang Presidente at CEO ng ABS-CBN na si Ginoong Carlo Katigbak sa paghuhumiyaw ng aktres.

“Thank you Kimmy!” hiyaw din ni sir Carlo na ikinatawa ng lahat.

Teary eyed si Kim sa mensahe niya, “I’m very happy, thru ups and down, I am a proud Kapamilya and will always be a Kapamilya and still a Kapamilya (tuluyang tumulo na ang luha ng dalaga). Yes, forever Kapamilya tayo! I’m very happy, of course to my Star Magic family direk Lauren, ang aking tatay, ate Edith, my handler, of course sa mga boss natin dito, sir Carlo, sir Mark (Lopez), tita Cory (Vidanes) and sir Rick (finace executive), nice to meet you, Kim Chiu po.”

At sa kanyang IG account ipinost ni Kim ang larawang magkakasama sila ng mga bosses ng ABS-CBN at ng mga kapwa niya Star Magic talents na kasabay niyang pumirma na sina Robi Domingo, Joseph Marco, Kira Balinger, Andrea Brillantes, JM De Guzman, Jane de Leon, at Enchong Dee. Kabilang na rin ang grupong All Girl Pinoy Pop na Bini at Star Hunt Academy boys.

Ang caption ni Kim, “12.4.2020 KAPAMILYA! This may be the most memorable contract signing for me. I may be emotional at times whenever this topic is being brought up. I am happy to be here.

“Ang daming nangyari. This year is the most challenging year for all of us, with the pandemic plus what happened to our home ABSCBN, ngayong taon pinaka nasugatan, pinaka tinapakan, pinaka nasaktan. Nadurog ang bawat Kapamilya. Kabilang na ako duon. No one knows what will happen, pero eto tayo unti unting bumabangon, unti unting nagpapagaling.

“Isang pamilya tayo, sa hirap at ginhawa magtutulungan. Samahan kita, hindi ko kayo iiwan. Salamat sa tiwala na binigay nyo po sa akin. Better days are coming! Manalig lang tayo, hindi niya tayo pababayaan.

“To my handler @edith.farinas and to our new head of @starmagicphils @direklauren tatay!  I’m happy to be under your guidance in the coming days, months, and years to come! May this new chapter be filled with love, harmony, light, and happiness. #kapamilya

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …