Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lumang klase ng comedy nina Andrew, Janno, Jerald, at Dennis, patok sa millennials; Trailer, umabot agad sa mahigit 20M

HINDI inaasahan ng Pakboys: Takusa na sina Andrew E, Janno Gibbs, Jerald Napoles, at Dennis Padilla na aabutin ng mahigit sa 20M views ang trailer nila na ipinost ng Viva Films kasi nga naman ang estilo ng pagpapatawa ng pelikula nila ay luma o old school.

Ito kasi ang gustong mangyari ni Viva big boss, Vic del Rosario na ibalik ang lumang estilo ng comedy film dahil marami ang naghahanap nito at sumakto naman dahil ito rin ang forte ng apat na bida at ni Direk Al Tantay.

Sa ilang buwan ng pandemya, naghahanap ang mga tao ng ibang mapapanood dahil nauta na sila sa mga balita tungkol sa Covid19, sa paulit-ulit na krimeng nangyayari sa bansa at higit sa lahat, baka napanood na rin ng lahat ang mga pelikula sa Netflix.

Positibo ang pananaw ng apat na bida ng Pakboys: Takusa at labis silang nagpapasalamat sa tumangkilik ng trailer ng pelikula  kaya umabot sa mahigit 20M views.

“Nagpapasalamat kami kahit sa millennials, new generation viewers dahil na-appreciate nila ana aming pagpapatawa at pagpapasaya kaya very proud kami na umabot kami sa 20M million views and I hope ma-convert namin ‘yan sa ticket,” say ni Dennis.

Paniniwala naman ni Jerald, “very hopeful kami kasi ‘yung trailer doon nagsisimula ‘yung word of mouth. So kung maraming shares, maraming nakaaalam na may ganitong palabas. Hopeful kami kasi iba ‘yung set-up ng MMFF ngayon dahil pandemic, sana mag-translate kahit ilang porsiyento.”

Dagdag ni Dennis, “Oo, kahit 5% lang okay na, eh sa box office.”

“Unang-una bago ko ma-appreciate ‘yun dapat tanungin ko muna ang sarili ko. Maniniwala ba ako na sobrang dami ng nanonood ng trailer namin? Ganoon ba kalaki? Ganoon ba kalaki ang na-reach ng trailer namin? At kung totoo ito, totoong pasasalamat ang gusto kong ibigay lalo na sa mga Filipino na nagsi-share kasi isa‘yun sa nagiging instrument para lalong kumalat ang trailer namin at para lalong maraming makapanood kasi sila ‘yung nagsasabing, ‘oy panoorin n’yo ito, nakakatawa,’” paliwanag ni Andrew.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

https://www.instagram.com/p/CbrIQt_LxCC/?utm_source=ig_web_copy_link