BINISITA at ininspeksiyon ni P/Lt. Col. Arturo Fullero, Human Rights and Affairs Office chief ng Pampanga Police, ang mga custodial facility ng PNP sa mga city at municipal police station upang tiyaking maayos ang kalagayan ng detainees o persons deprived of liberty (PDL) sa ilalim ng kanilang pangangalaga.
Pinaaalalahanan ni Fullero ang pulisya na maging responsable sa kanilang mga gawain bilang custodian ng mga bilanggo at pairalin ang patas na pagtingin sa mga bilanggo at igalang ang kanilang mga karapatang pantao.
“Ang hakbanging ito ay napapanahon sa nalalapit na paggunita ng Human Rights Consciousness Week at pagdiriwang ng ika-72 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights, at tandaan na ang pulis ay isang human rights protector,” pahayag ni Fullero. (RAUL SUSCANO)