Monday , December 23 2024

Charlie Dizon, madaling nakapa ang role ni Toni G sa FSAAW

ANG baguhang aktres na si Charlie Dizon ang gaganap na Teodora Grace Salazar sa Four Sisters before the Wedding na ginampanan noon ni Toni Gonzaga sa pelikulang Four Sisters and A Wedding na ipinalabas noong 2013.

Sa virtual mediacon ng prequel ng FSAAW ay inamin ni Charlie na may mga acting tip na ibinigay sa kanya ni Toni.

 “Yung mga kailangan ko tandaan siguro ‘yung nuances talaga ni Teddie and actually, naging suwerte ako nakausap ko ng saglit si Ms. Toni na ‘yun ‘yung sinabi niya, ‘Lagi mo lang tatandaan na ayaw ni Teddie ng awkward situations kaya siya medyo OA gumalaw.’ Basta gusto niya masaya o hindi negative ‘yung nangyayari.

“So ‘yun ‘yung pinaka-tinandaan (ko) ‘yung essence ni Teddie and ‘yung pagka-panganay niya hindi talaga mawawala ‘yung siya ‘yung nag-li-lead ng mga magkakapatid. ‘Yun ‘yung makikita natin sa ‘Four Sisters Before the Wedding.’

“Aside from the expectations, natural lang na may expectations ‘yung mga tao talaga but dahil nga tinulungan kami ng production and our director, everyone tinulungan kami sa Star Cinema na mag-prepare talaga and ako, aside from the pressure, inisip ko na lang talaga rin na i-enjoy ‘yung moment kasama ‘yung mga cast and ‘yung whole production kasi ‘yun talaga ‘yung naramdaman namin while we were shooting.

“Sobrang positive ‘yung energy ng buong cast. So, hindi ko na masyado maisip ‘yung pressure while we were doing it. Of course andun pa rin ‘yung pressure but more on excited ako,” paglalarawan ni Charlie.

Bago sila sumabak sa lock-in shoot ay ikinuwento ng aktres na talagang masusi nilang hinimay-himay ang bawat karakter ng mga bida ng Four Sisters before the Wedding dahil nakailang zoom meeting sila ng buong production sa pangunguna ni Direk Mae Cruz-Alviar.

“So nahimay namin talaga bawat characters kasi importante rin ‘yun para malaman namin kung ano ‘yung dynamics namin with each other, hindi lang sa character namin talaga. Ang laking tulong talaga na nag-one-on-one kami with direk Mae kasi parang mas nakilala namin ang isa’t isa.

“Mas madaling maging open sa amin and talagang sinabi niya sa amin ang bawat part, kung ano mang essential sa bawat character. Sobrang grateful namin kay direk Mae na talagang na-guide niya kami. Talagang naramdaman ko kasi na kami talaga ‘yung characters na ‘yun kaya naging madali.

 “Sobrang proud ako sa project namin na ito. Proud ako sa buong team, sa Star Cinema, sa cast. Sobrang thankful ako na makasama ko sila and mas feeling ko grateful ako and lucky na mayroon tayong platform, mayroon na ganitong technology na maipalabas pa rin ‘yung pelikula namin kahit na nasa panahon tayo ng pandemya. Kaya sobrang grateful ko pa rin,” pahayag ng dalaga.

Ang Four Sisters Before The Wedding ay mapapanood worldwide simula sa Disyembre 11 sa KTX.ph (ktx.ph), iWantTFC (iwanttfc.com), TFC IPTV, Cignal PPV (my.cignal.tv), at Sky Cable pay-per-view (mysky.com.ph) distributed ng CineXpress.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *