Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
road accident

Magdyowang magkaangkas sa motor, tepok sa truck

PATAY ang magkasintahan nang mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng truck sa Aurora Boulevard, Barangay Doña Imelda, Quezon City, nitong Lunes ng tanghali.

Namatay sa  pinangyarihan ng aksidente ang mga biktimang sina Andrei Hernandez, 23, residente sa Mandaluyong City at kasintahang si Sanika Geron, 24, ng Punta, Sta. Ana, Maynila nang mgulungan ng truck.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Wagner Acquisio ng Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit, Traffic Sector 4, dakong 12:43 pm kahapon, 30 Nobyembre nang mangyari ang malagim na aksidente sa Aurora Blvd., malapit sa kanto ng G. Araneta Ave., Barangay Doña Imelda, QC.

Batay sa pahayag ni Analisa Lucas ng Barangay Doña Imelda Health Emergency Response Team, galing sa Sta. Ana ang magkasintahan sakay ng Honda Click Motorcyle  at papunta sa area ng Cubao, nang ararohin ng truck na minamaneho ni Jericho Villarin.

Sa lakas ng impact, kapwa bumagsak ang magkasintahan at napailalim sa truck saka nagulungan.

Samantala, nasugatan din ang isang rider na si Marlon Resurreccion, nang mahagip ang kaniyang minamanehong Honda Wave Motorcycle at nagpapagaling na sa ospital.

Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide with physical injuries plus damage to property laban sa driver ng Sinotruck Howa Tractor Head na may plakang 310355, residente sa Francisco Subdivision, Arkong Bato, Valenzuela City.  (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …