Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging kilabot ni JC sa babae, ibinuking ni Paulo

SA episode 9 ng #AskAngelica na ang online show ni Angelica Panganiban nitong Biyernes, Nobyembre 27 ay inilaglag ni Paulo Avelino si JC Santos sa episode na Dirty Little Secrets.

Ang co-actors ni Angelica na sina JC, Paulo, at Zanjoe Marudo ang guests niya sa #AskAngelica episode 9 at naunang tanungin ng aktres ang una kung ano ang dirty little secrets nito.

Humirit kaagad si Paulo, “Naku, kilabot ‘yan ng teatro at kilabot ng stylist.”

Dagdag pa ni Pau, “kilabot siya ng teatro kasi walang maganda (babae) sa teatro na hindi nakakakilala kay JC kasi dumadaan sa kanya lahat. Kilabot ng stylist kasi kilabot talaga siya.”

Tawa naman ng tawa si JC sa pambubuking sa kanya ni Paulo, “rito na tayo sa laglagan portion. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ‘yan.”

Tukso ni Paulo, “’wag mo ng sagutin kasi wala ka ng panalo rito.”

Si Paulo naman ang binalikan ng tanong ni Angelica kung ano ang dirty little secrets niya.

Ikaw Pau, ang friendly mo sa social media ‘di ba?  Friendly ka sa Twitter, sumasagot ka sa fans kahit sa totoong buhay ganoon ka.  Mayroon bang nangyari na may isang fan na nagandahan ka ganyan, tapos magdi-DM (direct message) or halimbawang ‘yung fan na nag-DM sa ‘yo ay may pinadalang something tapos nagustuhan mo,” tanong ng aktres.

Seryosong sabi ng aktor, “To be honest Angge, hindi ko kaya kasi mas ano talaga ako, eh, mas (tinitingnan ko) personality kasi ako na person.  So, kung okay ‘yung personality ng babae baka puwede.”

“May point din naman.” Say ng dalaga.

At ang take-away ni Angelica sa topic nila ngayon nina Kean Cirpriano at Via Antonio na ka-TT (tropang toto/tropang tanga).

Hindi masamang may itinatago tayo sa pagkatao natin, but we have to face it.  Kailangan nating harapin kung ano ‘yung mga sekreto natin, kinatatakutan natin kasi ‘yan ‘yung mga dark areas, ‘di ba? 

I-embrace, i-reveal ang kuwento natin sa mga taong nakaka-intindi at mararamdaman mo rin na welcome ka rin na normal ka rin at hindi ka nagkamali na it happens makakukuha ka ng mga grupo na ito rin ang pagkakamali nila at ito na rin ‘yung mga dapat nating iwasan para rin to better ourselves,” say ni Angge.

Samantala, ang serye nina Paulo, JC, Zanjoe at Angelica na Walang Hanggang Paalam ay umeere mula Lunes hanggang Biyernes sa A2Z channel sa digital at analog ng TV boxes, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …