Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maris Racal, type dyowain si Kokoy De Santos

GAME na sumali si Ruffa Gutierrez sa pa-game ni Maris Racal na Jojowain o Totropahin sa kanyang vlog na ipinost sa kanyang YouTube channel habang naka-break sila sa taping ng romantic comedy TV series na Stay In Love. Kasama ang ibang cast na sina Meanne, Welwel, Charm, Elsa Droga, at Pooh.

Pangalan ni Ejay Falcon ang unang binasa, dalawa sa bading na cast ang sumagot ng ‘jowa’ at lahat ay ‘tropa’ pero si Maris, “feeling ko, jowa.”

Sumunod na binanggit ang pangalan ni Carlo Aquino“Crush ko ‘yan, love na love ko ‘yan, jowa!” say ni Pooh; ‘tropa’ naman ang isinagot ni Ruffa at si Maris naman ay, “ako tropa kasi kuya-kuyahan ko siya.”  

Sumilip ang leading man ni Maris na si Kokoy De Santos sa kuwarto kung nasaan sila at sabay pakita na rin sa camera. Napansin ni Ruffa na biglang tumahimik si Maris kaya tinanong niya kung bakit, “nahihiya po kasi ako,” at sabay babay sa aktor at saka nagkatuksuhan na.

Pangatlong pangalan ay si Gerald Anderson, tinukso si Ruffa dahil hinihimas ang mahaba nitong buhok, “cute siya, ha!” sambit ng mommy nina Venice at Lorin, pero tropa ang sagot nito.

Ika-apat si Ricci Rivero na sinabi agad ni Pooh at ng ilang bading na kasama ay jowa. Si Maris ay tropa at si Ruffa ay tiningnan muna ang larawan ng basketbolista at saka sinabing, ‘okay jowa.’

At dito na nagkahiyawan ang lahat dahil nang banggitin ang pangalan ni John Lloyd Cruz, halos lahat ay jowa ang sagot na mala-Bea Alonzo. Maging si Maris ay jowa rin, si Pooh ay tropa dahil tropa naman talaga niya ang aktor, pero pagdating kay Ruffa, “dyinowa ko na ‘yan!”

Bukod kay Lloydie ay dyinowa na rin ni Ruffa sina Aga Muhlach at Zoren Legaspi.

Maging si Pasig Mayor Vico Sotto ay ‘jowa’ ang sagot ng lahat.

‘Tito’ naman ang sabi ni Maris nang mabanggit ang pangalan ni Derek Ramsay.  Sina Pooh at Ruffa ay tropa ang sagot.

Tropa naman ang tingin ng lahat kina Kiko Estrada, Enchong Dee, JC de Vera, JC Santos, at Jericho Rosales.

Kinilig ang lahat nang mabanggit ang pangalan ni Ian Veneracion na may show din sa TV5, ang Oh My Dad at lahat ay jowa ang sagot.

Tinanong naman ni Ruffa si Maris kung jojowain o totropahin niya si Kokoy. “Jojowain,” ang mabilis na sagot ng dalaga kaya hiwayan to the max ang lahat.

Happy set sa romantic comedy serye na Stay in Love na napapanood sa TV5 tuwing Martes, 9:30 p.m. produced ng Cignal at Cornerstone Studios at si Rod Marmol ang direktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …